TANDAAN
Manuel Blanco translation
Nang mang̃a gamot na cailang̃ang ihanda,t, ing̃atan nang Médicong tagalog sa caniyang bahay.
Ang isang botellang balat nang Ditang binayo, at ag-ag sa sinamay na masinsin. Yaong botella,i, doroonan nang taquip na daluro.
Ang isang botellang balat nang Iguio na babayohin din at aag-aguin sa sinamay na masinsin. Ang botella,i, tatacpan nang dalurong mahigpit. Maminsanminsan hang̃oin doon ang Iguio at ibilad.
Ang ilang bung̃a nang Salagsalag ó Pacupis (Pepinillo de San Gregorio), napapaltan nang bago taontaon.
Ang isang balaong̃ang dahon nang Salago, at ang isa pang balaong̃ang dahon nang Acapulco ó Sonting. Itong lahat na damo ay tuyo cun gagamitin.
Ang isang botellang Cremor na bibilhin sa Maynila.
Ang halagang apat na pisong Maná na bibilhin din sa Maynila.
Ang timbang anim, ó sangpuong pisong Mercurio na yao,i, bibilhin sa Maynila, at itatago sa garrafa. Ang mercurio,i, cailang̃an sa quinagat nang asong ol-ol.
Ang isang botellang Salitre, na pati ito,i, bibilhin sa Maynila.
Ang ilang Pepita ni S. Ignacio, ó sa Catbalogan.
Ang ilang caputol na sung̃ay nang usa, na sinunog.
Ang halagang dalauang pisong Ruibarbo, na babayohin at itatago sa botella.
Ang isang magaling na timbang̃ang munti. Cun masama ang timbang̃an, hindi sucat gamitin, at cun minsan ang gamot na titimbang̃in doon, ay macacamatay sa maysaquit. Masama naman ang timbang̃ang malaqui, lalo pa cun cacaonti ang titimbang̃in doon.
Ang ilang sang̃a,t, ugat nang Bulacan. Ang mang̃a sang̃a,i, gangadaliri calaqui, na pagpuputlinputlin at ibibilad nang malauon sampon nang ugat, bago itago sa paliyoc na may taquip na ibibitin sa suloc nang cosina. Itong damo,i, cucunin pag natuyo ang bung̃a.