CAPÍTULO 15.
Manuel Blanco translation
Ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, na ang tauag nang castila sa ganoong saquit ay mal de rabia.
136. Ang aso pati nang pusa ay nababang-ao ó nauulol di man cagatin nang ibang hayop na ulol. Ang nababang-ao na aso, ay quinatatacutan nang capoua aso, at sa malayo man ay ungmiilag doon, sapagca pinaquiquiramdaman nila ang caniyang saquit. Cun ang aso,i, nababang-ao na, ay hindi ungmaabot sa icapat na arao, at namamatay siyang cusa.
137. Cun mayroong tauong quinagat nang pusa ó nang asong ulol, ang sugat ay nababahao, para nang ibang mang̃a sugat. Caya ang mang̃a tagalog na ualang isip, sila,i, nararayaan nang mang̃a médicong hunghang na canilang tinatauag; at sa canilang acala ay uala na silang saquit, sapagca ang sugat ay nabahao na. Datapoua aco,i nacaquita na nang labing limang maysaquit sa isang bayan lamang na quinagat nang asong bang-ao; at nang̃amatay rin, baga man nang̃abahao ang canilang mang̃a sugat, at sinangrahan nang mang̃a médico at sinipsip pa,t, vinentosahan ang canilang mang̃a sugat. Ang sugat na gaua nang pusa ó nang asong ulol, ay nabababao ng̃a cun minsan siyang cusa, di man gamutin; datapoua pag nacaraan ang tatlong lingo, ó ang isang boua,t, calahati, ó tatlo cayang bouan, ay nararamdaman nang may catauan na masaquit-saquit yaong lugar nang sugat na nabahao. Saca hungmalili dito ang pamamaga nang pilat nang sugat; namumula tuloy at pungmuputoc, at linalabasan nang tila tubig na mabaho, at ga mapulapula. Ang maysaquit ay namamanglao at ga natatamlay; naguiguitla siya, at pinang̃ing̃ilabutan nang guinao ang boong catauan; ga quinacapus siya nang paghing̃a at balisang parati; masaquit ang mang̃a bituca; ang pulso,i, mahina,t, gulo; ang pagtulog ay hindi mahimbing, bagcus parating naguiguising at natatacot; ang pananabi ay sala rin; parating pinapauisan siya nang malamig, na munti ang pauis at sumandaling oras lamang calauon; cun minsan masaquit ang lalamunan. Ito ang mang̃a unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang-ao.
138. Ang sungmusunod dito,i, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,i, aayao na siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, ó cun naquiquita niya, ó nariring̃ig man ang pang̃alang tubig ay nasisindac ang caniyang boong catauan. Ang mang̃a hirap at ang mang̃a saquit niya ay hindi masaysay. Ang pagting̃in niya ay titig, at ga mabagsic; anopa,t, catacot-tacot panoorin ang caniyang lagay.
139. Bagaybagay ang gamot na ang uica nang mang̃a tauo,i, maigui rito; datapoua ang gamot na totoong-totoo doo,i, ang mercurio, ó azogue. Caya ang pagsasangra sa maysaquit, ang ventosa, ang pagsipsip nang sugat, at ang sung̃ay nang usa na sinunog, na inilalagay roon, ay hindi naniniya cun minsan; at mayroon ding namamatay na maysaquit na guinamot noon. Caya ang gagauin nang quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao, siya,i, magsusugo sa Mainila (cun sa ibang bayang may botica) nang isa catauo, at ipacucuha niya doon sa botica ang bilin sa número 28. Ito ang totoong gamot, at ang lalong magaling na lunas sa quinagat ng̃ asong ulol. Caya mabuti disin, cun sa lahat na bayan mayroon magamit na gayong gamot, doon man lamang sa bahay ng̃ tauong mayaman, ó sa tinda nang mang̃a mercader; ang halaga niyong gamot na yaon ay isang salapi ó piso. Datapoua cun bibili ang mang̃a mercader sa botica, ay magaling bumili sila nang mercurio lamang na ualang calahoc, sapagca ang mantica,i, ungmaanta, at ang isa pa,i, cun gagamitin na, ay ualang liuag samahan nang mantica ayon sa turo sa número 28 doon sa nota.
140. Ang gagauin ng̃a sa tauong quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao ay gayon. Pagcaraca mag-iinit ca nang tubig na dinoonan nang caunting asin. Ang sugat ay huhugasan at lilinising magaling na magaling nitong tubig na malacuco na dinoonan nang asin, nang macuha ang lauay nang asong nacacagat. Saca cuscusing palibot ang mang̃a tabi nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang timbang saicapat nang ungüentong tinuran co cang̃ina, na bilin sa número 28; at ito,i, gagauing minsan arao-arao. Ang sugat ay gagamutin at babahauin para nang ibang mang̃a sugat; datapoua maigui ring pabayaan munang magnacnac nang malauon. Tungcol sa husay nang maysaquit, cailang̃an ang houag siyang cumain nang maraming carne; saca maging̃at sa alac, sa mang̃a mahanghang at sa mang̃a mainit; at nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit touing arao, at babañosan arao-arao sa malacucong tubig hangang tuhod. Ang caniyang iinuming parati ang bilin sa número 2. Maraming totoongtauo, ani Tissot, ang guinamot co nang gayon na quinagat nang asong ulol, at hindi sila naano. Caya yaon ang cailang̃ang pagpilitang gauin nang tauong ibig masiguro ang caniyang buhay. Caya quinucuscos ang mang̃a tabi nang sugat nang ungüento nang mercurio, ay nang lumura ang maysaquit nang mang̃a labing limang arao, ó tatlong lingo.
141. Datapoua bago gamutin nang gayon ang maysaquit, cun mayroon siyang dugong marami at mataba, at magaling na totoo ang caniyang catauan, pagca hinugasan na ang sugat nang tubig na may asin, ay cailang̃ang sangrahan, ó ipacagat sa anim na linta ang caniyang camay; ó tanducan, ó tacluban nang ventosa, at cunan nang dugó na mang̃a apat ó limang piso ang timbang. Datapoua cun yayat ang maysaquit, ay houag cunan nang dugo. Saca isusunod doon ang pagcuscos nang mang̃a tabi nang sugat, at ang ibang mang̃a biling co sa itaas sa párrafong sinundan nito, hangang sa icalabing dalaua ó icalabing limang arao. Ang maysaquit na guinagamot nang mercurio, ay hindi sucat yumapac sa basá; at totoong sama yaon. Gayon din cailang̃ang mag-ing̃at siya sa hamog at sa ulan; houag lumacad siya sa lupa cun gab-i, ó cun madaling arao, at paraparang masama yaon. Ang mang̃a babaying may panahon cun quinagat nang asong bang-ao, ay gagamutin din para nang iba; houag lamang damihan ang ipinapahid sa caniya, at houag namang pahiran arao-arao cun hindi cailang̃an. Masama namang sangrahan.
142. Ng̃uni,t, cun ang tauong quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing madaling-madali doo,i, gayon. Sasangrahan, ó cucunan nang maraming dugo, at ito,i, uuling gagauing macalaua ó macaitlo ó macaapat, cun baga cailang̃an. Cun baga mapambohan ang maysaquit nang malacucong tubig ay pambohan agad nang macalaua maghapon. Sumpiting macalaua, ó macaitlo maghapon nang bilin sa número 5. Cuscusin ang mang̃a tabi nang sugat na macalaua maghapon nang ungüento nang mercurio, para nang utos sa párrafo 140. Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang aso, lalahiran nang lang̃is ó lana man, at babalutin nang basahang babad din sa lang̃is; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa número 35. Ang maysaquit na guinamot nang gayon, cun baga nalauo,t, hindi pa gungmagaling na tatoo, bagcus naroon mahina,t, hapay ang caniyang loob ay paiinumin nang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui maghapon.
Cun sa iyong bahay mayroon cang ing̃at na mercurio ay siya na yaon, at hindi cailang̃ang magsugo canang tauo sa botica. Ang timbang pisong mercurio ay doonan mo nang timbang tatlong salaping manticang sariua nang baboy, at timbang isang salaping sebo nang baca ó tupa; saca bayuhin itong tatlong bagay, hangang hindi na maquita ang azogue, sa isang bayohang bacal ó tangso, ó sa lusong man, ó sa tagayan man, at pagca bayo na,i, yaon ang ungüentong ipapahid mo sa sugat para nang turo co sa itaas, párrafo 140.
Nota. Ang uica nang isang médicong marunong, na si Roux ang ng̃alan, na capilitang pasuin ang sugat na guinagaua nang aso ó nang pusang ol-ol. Caya pagca hinugasan ang sugat nang tubig na may asin, ay doonan nang caonting bulac ó laman nang bung̃a nang boboy, at papagning̃asin, na yao,i, gagauing maminsan-minsan. Saca gauin mo naman ang turo ni Tissot tungcol sa mercurio; at houag mong bahauin ang sugat cundi malauon.
Ang gagauin sa quinagat nang asong ol-ol cun ualang mercurio ó azogue.
143. Datapoua cun ualang mercurio, at maliuag namang magpacuha ca sa botica, ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, ay gayon. Pagcaraca huhugasa,t, lilinisin ang sugat nang maysaquit nang tubig na malacuco na dinoonan nang asin, ng̃ macuha ang lauay nang asong nacacagat. Saca painumin tuloy ang maysaquit nang lana ó lang̃is sa castila, ó lang̃is nang niyog na mabaho man, ga calahating taza carami, hangan sa siya,i, sumuca; at cun hindi sungmusuca ay big-yan pa hangan sumuca. Itong pag-inom nang lang̃is, hindi sucat pabayaan, at siya ang cauna-unahang gamot dito. Saca cun ibig at pungmapayag ang maysaquit, ang sugat ay pasuin nang caunting bulac, ó nang laman nang bung̃a nang boboy. Cun aayao ang maysaquit na pasuin ang sugat niya,i, papagsugatin nang isang lanceta ó campit ó dulo nang gunting man, mangyaring magdugó lamang, at doonan ang sugat nang caputol na sung̃ay nang usa na sinunog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Ang pagsusunog noong sung̃ay nang usa, ay hindi maliuag; basahin mo ang numero 30.
144. Ang sinabi co ng̃ayon sa párrafong natalicdan ay magcacasiya na cun minsang igamot sa quinagat nang asong ol-ol; datapoua nang lalo pang maseguro ang buhay nang maysaquit, ay mabuting gauin ang sasabihin co ng̃ayon. Touing icalauang arao susumpitin ang maysaquit; arao-arao papambohan nang tubig na malamig, at palulunuquing maghapon nang dalauang pelotilla nang bilin sa número 31. Ang pagpambo itutuloy hangang sa tatlong puo ó apat na puong arao, at cun hindi minamagaling nang maysaquit ang malamig na tubig pambohan sa tubig na malacuco. Ang tauong guinagamot nitong mang̃a bilin sa dalauang párrafong magcasunod, cun minsan ay hindi mamamatay di mang gamutin nang mercurio. Datapoua,t, lalong magaling at seguro sa lahat ang mercurio.