CAPÍTULO 4.
Manuel Blanco translation
Ang mahusay na gaua sa may mang̃a malalaquing saquit.
16. Touing sasabihin dito sa librong ito, na ang maysaquit ilalagay sa husay, gagauin ang lahat na nauutos dito tungcol sa cacani,t, iinumin noon, at sa isusumpit sa caniya; at caya tambing sinasabi co dito nang houag cong uliting parati doon sa casaysayan nang baua,t, isang saquit.
17. Cun ang tauo,i, maysaquit na, at ang init at ang lagnat ay totoong nararamdaman na, ang mahusay na susundin ay ganito. Houag lilibutin nang tauong marami ang maysaquit, at masama ang ing̃ay at ang init doon sa tinatahanan niya. Cailang̃an namang mahang̃inan ang silid; datapoua,t, houag ilagay ang maysaquit doon sa dinaraanan nang hang̃in; touing iihi, ó mag-iilaguin, itatapon agad ang dumi; cun baga pacacanin ang maysaquit, ang ipacain doo,i, ang tinapay na dinurog sa tubig na marami; ang tubig na may tinapay, pacuculoin sa apoy hangan sa matunao ang tinapay, saca sasalain, at siya lamang ang iinomin niya. Cun ualang tinapay, na-aari ang linugao at ang basabasa. Masama ang harina nang trigo, sapagca hindi pa luto sa apoy.
18. Mapacacain naman ang maysaquit nang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy, di man lutuin; datapoua,t, ang hilao pa hindi sucat ipacain sa tauo, cundi pacalutuin muna sa tubig. Caya ang saguing ang mang̃a, ates, ang albay, ang duhat ang sapinit, ang dalandan, at ang iba pang bung̃ang hinog na hinog nang cahoy, ay macacain nang maysaquit, sapagca macaguiguinhaua sa caniya yaon.
19. Ang maysaquit painumin nang malimit nang alin man doon sa sinabi co na sa párrafo 15.
20. Cun hindi nananabing macadalaua arao-arao ang maysaquit, ay cailang̃ang sumpiting minsan man lamang touin arao, nang bilin sa número 5; at yaon din ang gagauin cun hindi marami ang inaiihi, ó cun mapula ang ihi, ó cun tila naghuhunghang ang maysaquit, ó cun malaquing totoo ang lagnat, at masaquit ang ulo,t, bay-auang, ó cun ibig sumucang parati. Ang minsang sumpitin ang tauo ay magaling pa sa inomin niya ang apat na gayón tubig; caya sucat pagpilitang gauin sa maysaquit itong ganitong pagsumpit, palibhasa,i, nacacaguinhaua sa caniya; houag lamang gauin cun pinapauisan. Sa librong ito ay sasabihin co, cun anong magaling isumpit sa baua,t, isang saquit.
21. Cun baga nacacacaya ang maysaquit, magaling ang siya,i, bumang̃on sa hihigang maminsanminsan, sapagca ito,i, nacacabauas nang saquit nang ulo, at ang lagnat ay ungmoonti, at ang isa pa roo,i, madaling umihi, pag nagbang̃on ang tauo.
22. Arao-arao papalitan ang damit nang hihigan, at ang sa maysaquit, datapoua,i, houag ihahalili roon ang hindi toyong-toyo.