CAPÍTULO 5.
Manuel Blanco translation
Ang gagauin nang maysaquit na magaling-galing na.
23. Cun ang tauo,i, nacalalo na sa pang̃anib nang saquit at maigui-igui na, itong mang̃a bilin dito ang susundin, maca siya,i, umuling magcasaquit. Houag cumain siya nang marami, sapagca hindi macacayanan nang caniyang sicmura. Ang caniyang cacanin ay ang isang bagay lamang, at houag ang sarisari. Houag siyang iinom nang maraming tubig, sapagca hindi lalacas ang caniyang sicmura, at cun minsan nacacapamaga sa paa yaong pag-inom nang marami; saca ang maysaquit na magaling-galing na, ay bagay sa caniya ang siya,i, lumacad na parati ó sumacay sa cabayo. Cacaonti lamang ang caniyang cacanin cun gab-i. Cun baga namamaga ang caniyang paa, houag alomanahin yaon, at mauauala pag siya,i, lumacad, at gumaling na totoo. Cun hindi nananabi minsan man lamang touing icalauang arao cailang̃ang sumpitin, at lalo pa cun sungmasaquit ang ulo, at mainit ang caniyang pagcaramdam.
24. Cun baga magaling-galing man ang maysaquit, hindi pa siya lumalacas, cundi parating mahina, at ang sicmura ay gulo, at maminsanminsan ga nalalagnat na, iinumin niya maghapon ang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui. Houag naman siyang magsasaoli sa datihang gaua, hangan hindi pa siya malacas na totoo.