CAPÍTULO 13.
Manuel Blanco translation
Ang Reuma, na ang pang̃alan nang tagalog doo,i, balingtamad, na ang masaquit ay ang mang̃a casucasuan nang mang̃a catauan nang tauo.
109. Ang saquit na balingtamad, ó reuma, ay may lagnat na casama; cun minsan ualang lagnat. Cun mayroong lagnat, nang̃ang̃aligquig muna ang maysaquit; hungmahalili ang lagnat na malaqui, at ang saquit nang ulo; mainit ang pagcaramdam, at ang pulso,i, matigas; sa icalaua, ó sa icatlong arao, mayroong sungmasaquit na casucasuan na di maiquilos yaong casangcapang nasasactan, na namumula cun minsan at namamaga. Ang tuhod ang marahil sumaquit, at cun minsan ang dalaua,i, nagsasabay. Cun ang saquit ay talagang mananatili sa catauan, ay ungmuunti ang lagnat. Cun minsan lungmilipat ang saquit sa ibang lugar. Ungmaalis sa bulalo nang tuhod sa halimbaua, at napaparoon sa paa, at ungmaacyat sa sing̃it; ungmaalis dito at napaparoon sa bayauang, ó sa balicat caya ó sa sico, sa batoc ó sagalang-galang̃an nang camay; cun minsan ang maraming casucasuan, cun minsan ang lahat ay sungmasaquit, na totoong cahabaghabag ang lagay nang maysaquit; maghapo,t, magdamag ay tili, at salang hipuin, ay sungmisigao. Ang totoong lauong saquit ay ang sa bayauang, ang sa batoc, at sa balisacang.
110. Cun ang saquit ay nananatili sa balat nang ulo, sa bubong nang mata, ó sa ng̃ipin ay totoong nahihirapan ang maysaquit; at lalo pang mahirap at mapang̃anib cun napapasaloob ang saquit. Cun ungmacyat sa ulo, ay nagbabalais ang maysaquit; at cun sa sicmura, ó sa bituca mapatung̃o, ó sa baga, siya,i, mamamatay caalam-alam.
111. Mayroon namang nagcacasaquit na binalingtamad, na di nalalagnat nang malaqui; at capag sungmasaquit na ang mang̃a casucasuan, nauauala ang pagcalagnat.
112. Cun ang saquit ay nalalauon sa isang casucasuan, hindi na maiquilos cailan man yaong casangcapang nasaquitan.
113. Ang dahilan nang saquit na ba-balingtamad ay ang pag-inom nang alac na marami, ang pag-urong nang pauis, ó pinacataib nang catauan, ang paglacad cun gab-i, ang hang̃ing malamig na may casamang ulan, at ang calaputan nang dugong mainit. At cun hindi paual-in muna itong calaputan, ó cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. Cun minsan itong saquit ay casama nang escorbuto ó nang pang̃iqui.
114. Cun naquiquilala nang magaling ang saquit, susumpitin muna ang may catauan nang bilin sa número 5, at pag lungmalo ang isang oras at ang maysaquit ay marugo, ay sasangrahan sa camay, at cucunan nang timbang labing dalauang pisong dugo; ang maysaquit ilalagay sa husay (capítulo 4); paiinumim naman nang bilin sa número 2, ó cun hindi minamagaling nang maysaquit ito, ay iinumin niya ang malinao na suero na may pulot na calahoc, at siya ang totoong buti sa saquit na ito; pati sa pagsumpit doon, na-aari ang suero.
115. Cun baga sangrahan man ang maysaquit, hindi pa gungmiguinhaua ang caniyang damdam, ay cailang̃an sangrahang uli sa loob nang ilang oras; at cun minsan hindi pa magcasiya ang macalauang sangrahan.
116. Arao-arao susumpitin, at cun hindi marami ang iniilaguin niya, uuling gagauing macalaua maghapon, lalo pa cun masaquit ang ulo; datapoua cun baga hindi maquibo, at hindi masumpit ang maysaquit, painumin nang suero arao-arao, at saca cun umaga at cun hapon painumin naman nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Ang mang̃a hinog na bung̃a nang cahoy macacain nang maysaquit.
117. Pag nauala na ang lagnat at malambot na ang pulso, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23; at cun siya,i, nanabing macalima ó macaanim, caalam-alam yaon ang pag-guinhaua nang damdam niya; saca cun malauonlauon ay pinu-purga uli.
118. Cun baga malaquing lubha ang saquit nang casucasuan, ang maysaquit ay cuculubin sa sing̃ao nang tubig na mainit na ualang calahoc, at ang casangcapang masaquit ay itatapat sa sing̃ao nang tubig. Magaling tapalang parati nang bilin sa número 9. Ang pagpambo sa malacucong tubig ó ang baños man lamang hangang tuhod, ay macaguiguinhaua rin sa maysaquit, pag sinangrahan at sinumpit ayon sa sinabi co na sa itaas. Datapoua cun pambohan muna ang maysaquit, bago sangrahan, ó purgahin, ay lulubha siyang bagcus.
119. Cun gab-i ang saquit ay malaqui; datapoua malaqui man, hindi sucat big-yan nang anomang bagay na patulog ang maysaquit, at masama bagcus sa caniya.
120. Ang saquit na balingtamad nauauala sa pag-iilaguin ó sa pag-ihi nang ihing malabo,t, malapot na may latac na tila madilao, ó sa pagpauis. Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao nang mapauisan pa mandin.
121. Cun minsan naman cun mauala na ang saquit na balingtamad, ay nagcacalintog ang mang̃a paa na cun malauo,i, naguiguing sugat; itong sugat hindi sucat gamutin agad, at uuli ang saquit; ang pagpurgang maminsan-minsan, at ang pagiing̃at sa pagcain marami, ay nacauauala roon sa mang̃a sugat na yaon.
122. Cun minsan ang maysaquit, ay sinisibulan nang baga, ó ibang bagay na sibol doon sa lugar na masaquit, ó dapit doon. Caya cun mayroong naquiquitang sibol, ay gagamuting agad nang médico. Mayroon namang maysaquit na guinagalis at yaon ang pag-galing niya.
123. Ang saquit na balingtamad hindi lungmalalo sa labing apat na arao; datapoua mauala man ang saquit, cun minsan namamaga pa, ó nang̃ing̃imay ang casucasuan. At nang mauala itong pamamaga, ó cahinaan nang casangcapang nasactan, ay cucuscusin touing umaga at touing hapon nang isang basahang tuyo; lalacad ang maysaquit at susundin niya ang lahat na bilin sa capítulo 5, tungcol sa maysaquit na gungmagaling-galing na.
124. Mayroong namang binabalingtamad na tauo na hindi marugo, may sarisaring calahoc lamang, ó malapot caya ang dugo noon. Ang ganitong tauo; lagnatin man nang malaqui, hindi cailangang sangrahan; ang bagay dito,i, ang purga, at saca ang mang̃a parapit. Ang polvos número 25, ay maigui rin; datapoua cun baga matigas ang pulso nang maysaquit, masama, sa caniya ang parapit.
Ang saquit na binabalingtamad na malauon.
125. Pinang̃ang̃anlang balingtamad na lauon ang ungmuuli sa tauo at nauauala, at saca ungmuuli rin, na parati ganoong nauauala,t, sungmisipot; ualang casamang lagnat, hindi maraming casucasuan ang sungmasaquit; cun minsan hindi namumula; at hindi namamaga ang masaquit na catauan; datapoua cun minsan namamaga,t, namumula. Ang saquit na balingtamad na sinaysay co sa itaas, ay marahil dumaan sa mang̃a tauong matataba,t, malalacas; datapoua itong isang saquit ay dungmaraan sa mang̃a mahihinang tauo at sa mang̃a babaying masasactin.
126. Itong isang bagay na saquit na balingtamad, cun hindi guinamot nang paanyo, ay nalalauon nang mahabang panahon at di iilang taon cun minsan; lalo pa cun namamahay sa ulo, sa bayauang ó sa balacang, ó sa hita, na yaon ang tinuturang ceática. Cun minsan lungmalagay ang saquit sa isang cabila lamang nang ulo, ó sa sihang, sa isang daliri, sa bayugo nang tuhod, sa isang tadyang, ó cun minsan sa isang suso, na ang isip nang may catauan na yao,i, cancro. Cun sa baga mapatung̃o, ang maysaquit ay nag-uubong parati at totoong lungmulubha; cun sa sicmura, ó sa bituca manatili, ay ang maysaquit anaqui may cólico; at cun sa pantog nang ihi paroon ang saquit, ay ang acala nang may catauan ay mayroon siyang bato roon.
127. Ang pag-gamot dito sa ganitong saquit na balingtamad, ay iba-iba nang caunti sa pag gamot doon sa isang bagay na saquit na sinaysay co sa itaas. Cun malacas ang maysaquit, at malaqui naman ang saquit niya, ay sasangrahan, at paiinomin siyang parati nang bilin sa número 26, at ito,i, gagauing limang arao. Pag pinainom na nitong gamot, ay pupurgahin nang bilin sa número 21.
128. Cun baga ang saquit hindi pa nauauala, bibig-yan ang maysaquit nang píldoras número 18; at paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Pagca guinaua na itong lahat na gamot at ang maysaquit ay ualang lagnat, cun husay naman ang caniyang sicmura, at ugali ang caniyang pananabi, at cun hindi rin namamaga ang casangcapang masaquit, at hindi mainit, ó ga tuyo ang catauan nang maysaquit, ay mabibig-yan siya bago humiga nang polvos número 25 sa isang tagayang tubig na hinulugan nang caunting triaca, ga ualong butil na maiz carami; at caalam-alam gagaling na, lalo pa cun tapalan, ó cumutan ang casangcapang masaquit nang isang basahang babad sa tubig na turo sa número 27.
129. Sa lahat na bagay na saquit na balingtamad, ang ceática na sinaysay sa itaas sa párrafo 126, yaon ang totoong lungmalaban sa mang̃a gamot. Datapoua magaling lag-yan nang parapit ang masaquit na casangcapan, at lalo pang magaling sa parapit ang tacluban nang pito ó ualong ventosa; at ito,i, paparatihing gagauin. Ang isang lienzo encerado, sa macatouid, ang isang caputol na damit na isinaosao sa pagquit na tunao ay maigui ring itapal na parati doon; ó tapalan caya nang dahon nang papaya, ó nang dahon nang ling̃ansina (tang̃antang̃an). Gayon din ang apog na bagong yari at ang pulutpocquiotan ay minamasa capoua at itinatapal. Ang isang fuente sa ilalim nang hita ay maigui rin. Datapoua cun hindi mangyaring mauala yaong saquit na yaon, ay pasuin ang casangcapang masaquit; houag lamang ang ulo, cun naroroon na ulo ang saquit.
130. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo sa mainit na tubig na bungmubucal sa lupa para nang sa bayang pinang̃ang̃anlang Los Baños; datapoua pupurgahin muna ang maysaquit, bago pumambo siya doon. Ang pagpambo sa malamig na tubig pag magaling na ang maysaquit ay sucat gauin nang malimit, nang houag umuli ang saquit na balingtamad. Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina nang azul. Ang pag-inom nang mahabang arao nang tubig na pinagbabaran nang trifolio fibrino, (pang̃asvit) ay magaling na totoo sa saquit na balingtamad; at cun baga ang balingtamad ay casama nang escorbuto ang mabuti roo,i, magbabad sa calahating botellang tubig ó alac sa misa nang timbang isang salaping quina (dita) at timbang cahating ruibarbo, at touing arao iinumin nang maysaquit ang isang calahating tazang mahiguit.
131. Masama dito sa ganitong saquit ang aguardiente, at ang ibang mang̃a maiinit na bagay, pati nang mang̃a ungüentong may tabá. Mayroon namang tauong binabalingtamad, na gamutin man nang paanyo, ay hindi gungmagaling, bagcus lungmulubha; itong ganitong maysaquit ay magaling pa sa caniya ang houag gamutin, lalo pa cun matanda.