CAPÍTULO 14.
Manuel Blanco translation
Ang saquit na pinang̃ang̃anlang piyo, sa uicang castila,i, gota.
132. Ang saquit na ang pang̃ala,i, piyo ay marahil mamahay sa paa; ang damdam nang maysaquit ay siya,i, dinaraanan, ó binubusan nang malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,i, anaqui linalagari, ó binabatac, ó pinapaso ang mang̃a daliri nang paa. Mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay ó sa ibang lugar nang catauan. Ang nagcacasaquit nang ganito ay ang matamaring cumibo, ang malacas cumain, ang nag-iisip nang mang̃a maliliuag, ang napupuyat, ang namamanglao, at ang inurung̃an nang pauis, galis, ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi.
133. Ualang maalamang gamot sa gota, ó piyo: at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni Buchan. Caya ang sasabihin co lamang ng̃ayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurung̃an nang piyo.
134. Cun yaong pinipiyong tauo,i, nauala,t, inurung̃an noong saquit na yaon, at dahilan doon sa pag-urong nang saquit, siya,i, dinaraanan nang apoplegía (panhihimatay), ó garrotillo, ó hinihica siya, ó nahihilim, ó masaquit ang sicmura, ó nagcacasaquit nang iba, ang gagauin agad ay ang isusunod na ituturo co ng̃ayon.
135. Babañusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod; cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. Saca sasangrahan dito rin sa paa. Lag-yan nang parapit número 36, at cun malubha ang maysaquit, ay lalac-han ang parapit. Ang paa siya ang pararapitan, cun baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, ó sa camay, ó sa ibang lugar nang catauan. Datapoua cun mahirap na ang maysaquit, at mapang̃anib ang caniyang buhay, doon pagdaca pararapitang malapit sa masaquit na casangcapan, sa itaas nang camay sa halimbaua, ó sa ibabao nang sico. Pag magaling na ang damdam nang maysaquit at ang saquit na piyo ay nararamdaman din doon sa rati, hindi na mapang̃anib ang maysaquit; at hangan siya,i, malubha pa, at hindi nagsasaoli ang saquit doon sa datihan, ilalagay siya sa husay (capítulo 4), at paiinumin nang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang salitre, timbang sa icaualo maghapon; saca babalutin nang damit na tinina nang azul yaong lugar na yaon, na ibig paroonan nang piyo, at macaitlo maghapon paiinumin ang maysaquit nang triacang itinuturo sa número 42, na tutunauin sa tubig nang alagao na sinabi co cang̃ina.