← Table of contents
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

CAPÍTULO 9.

Manuel Blanco translation

Ang romadizo na pinang̃ang̃anlan nang tagalog na sipón.

79. Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang mang̃a casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisng̃i.

80. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang mang̃a saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

81. Ang pinagmumulan nang sipón ay ang pag-urong nang pauis nang catauan at ang cainitan nang dugo.

82. Ang calaunan nang saquit na sipón ay bagay-bagay. Ang sipón nang ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa roon. Cun nalalauon ang sipón, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan nang pag-uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang dugo. Ang isa pang casam-an noon ay ang di icatulog nang tauo, na caya nanghihina siya; bucod dito ang may sipón ay marahil aayao cumain, at yaon ang isa pa manding nacagugulo sa catungculan nang sicmura. Dahilan doon sa pag-uubo; ay nahihirapan namang totoo at ga nagagambol ang baga nang tauo, at napupuno nang napupuno nang sarisaring pinacataib ng̃ catauan na doon napapatung̃o, at lungmalapot at saca nacacahirap pa sa paghing̃a. Dahil doon naman nalalagnat ang tauo nang lagnat na munti na hindi nauauala.

83. Ang gamot sa sipón ay para nang sa pulmonía, pleuresía ó garrotillo. Caya cun ang sipón ay malaqui, lalo pa cun ang maysaquit ay marugo at malaqui ang caniyang ubo, pati nang saquit nang ulo, ay cailang̃ang sangrahan sa camay, nang madaling gumaling. Saca painumin nang bilin sa número 1, 2, ó 4. Magaling din bañosan bago humiga ang maysaquit sa tubig na mainit-init hangang tuhod; pati nang pagsumpit ay bagay rin sa saquit na ito, cun hindi manabi touing arao, ó cun cacaunti ang inaiihi nang may sipón. Sa catagang uica; cun ang may saquit ilagay sa husay (capítulo 4) pagdaca,i, gumagaling.

84. Datapoua cun munti ang sipón, di man gamutin ang tauo, ay gumagaling siya; houag lamang cumaing ilang arao, nang carne, itlog, baboy, sabao, at alac. Ang cacanin lamang ay ang tinapay, ó canin, ang mang̃a gulay, ang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy at tubig; ang cacanin cun gab-i ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na pinaglagaan nang palay ó cebada, at cun aayao noo,i, ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay gatas. Ang baños nang tubig na mainit-init sa paa; at ang bilin sa número 20, ay nacacapagpatulog sa maysaquit.

85. Cun minsan ang maysaquit ualang lagnat cundi nag-uubo lamang at hindi macatulog; ang gagauin dito ay cun gab-i bañusan nang tubig na mainit-init, at cun lauon nang nacacain ang maysaquit big-yan siya nang isang píldorang estoraque (camanguian), ó nang caunting triaca at caunting tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao; ito lamang ay nacacagaling na tambing sa maysaquit, pagca lauon nang guinamot nang husay, at hindi pa gungmagaling; datapoua cun bago pa ang saquit, hindi sucat gauin ito, at masama. Mabuti rin bigyang maminsan-minsan ang maysaquit nang isang cucharang pulot na hinulugan nang caunting suca, nang lumambot ang pag-uubo; at cun hindi rin ungmuunti ang pag-uubo doonan nang isang tapal na sahing sa pag-itan nang dalauang balicat, ayon sa turo sa párrafo 498. Ito,i, aral ni Buchan.

86. Sa saquit na sipón, ay bagay ang pagsipsip nang sing̃ao nang tubig na mainit ni pinagbabaran nang bulaclac nang alagao ayon sa turo sa número 53; maigui rin ang regaliza (saga) cun ng̃ang̃aing parati ang dahon.

87. Ang tauong sinisipon, na hindi nagbabauas nang caniyang pagcain, at ang ungmiinom lamang nang mainit na tubig, ay guinugulo niya ang sicmura; ang pag-uubo ay hindi mauaualang hamac cun gayón, at siya,i, ooui sa calagayan sinaysay co sa párrafo 82. Ang pag-inom nang anomang bagay na alac ay nacacasama doon sa sipón; at cun minsan ang sipón na talagang mauauala na, ay dahilan sa pag-inom nang alac bagcus lungmalaqui.

88. Cun ang tauong sinisipon ay totoong nanhina na, at hindi mangyaring mauala ang caniyang sipón iinomin niya arao-arao ang bilin sa número 14; ang timbang ay cahati ó isang saicapat na isinasama sa caonting alac. At cun nahahalata, na ang saquit ay napapatung̃o sa baga, dahil sapagca ang pag-uubo ay lungmalaqui nang lungmalaqui, at ga siquip ang dibdib pati nang paghing̃a, ay doonan ang maysaquit nang parapit sa mang̃a binti número 36.

89. Hindi magaling sa saquit na ito ang tumahan ang maysaquit sa bahay na mainit at siquip, sapagca ang pagtahan sa ganoong lugar ay para nang pag-inom nang alac. Saca pag nacalabas sa silid, at salang mahang̃inan, siya,i, sinisipon pa mandin. Mayroon namang tauo, na dahil sa calacasan nang pag-uubo pungmuputoc ang mang̃a ugat mumunti nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. Ang mabuti roo,i, basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang guinagaua sa párrafo 272.

90. Yaong mang̃a tauong madaling sipunin ay caya malacas dumopoc at humina ang canilang catauan, sapagca totoong nag-iing̃at sila sa hang̃in, at ang ibig nila ay ang tumahan doon sa may sara ang lahat; bago,i, ang canilang sucat gauin, ay lumabas at manaog sa lupa, at uminom nang malamig na tubig: at capag namihasa na sila sa ganitong gaua, ay lungmalacas at gungmagaling ang pagcaramdam.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings