CAPÍTULO 10.
Manuel Blanco translation
Ang saquit nang ng̃ipin at bag-ang, pati nang sa cabiac nang ulo ó muc-ha sa uicang castila,i, jaqueca, sampon nang escorbuto na yao,i, pagdurogo nang ng̃ipin nang tauo.
91. Tatlong bagay ang pinangagaling̃an nang pagsaquit nang ng̃ipin at bagang. Ang isa,i, ang bucboc nang ng̃ipin. Ang icalaua,i, ang pamamaga niyong litid na munti, na naroon sa pinacaugat nang mang̃a ng̃ipin; ó cun minsan ang pamamaga naman niyong pinaca balat na matigas, na nasasapao sa mang̃a ng̃ipin sa ilalim nang ng̃idng̃id, at caya pati nang ng̃idng̃id cun minsan sungmasaquit. Ang icatlong dahilan nang pagsaquit nang ng̃ipin ay ang isang pinacataib na malamig na napapatung̃o doon, na nangagaling sa catauan.
92. Cun ang dahilan nang saquit nang ng̃ipin ay ang bucboc, at cun nahahang̃inan na ang pinaca litid nang ng̃ipin, sapagca sinira,t, quinain nang bucboc, ay ang hang̃in, ang pagcain, ang pag-inom, ang init, at ang pag-gaua, itong lahat na bagay ay paraparang nacalalaqui nang saquit nang ng̃ipin. Caya cun malaquing totoo ang nacain na nang bucboc, cundi ipabunot sa marunong, sasaquit nang sasaquit lamang ang ng̃ipin, babaho ang hining̃a, mabubuloc ang ng̃idng̃id, at ang ibang ng̃ipin ay mararamayan, pati nang sihang cun minsan ay bubucbuquin din. Datapoua cun hindi totoong sira ang ng̃ipin, houag bubunutin cundi magbabad ca nang camunting pimienta, canela, at clavo sa calahating tazang tubig na malacuco, at dito sa tubig na ito,i, basain mo ang camunting bulac, na idoroon mo sa binubucboc na ng̃ipin. Maigui pa sa rito ang maglulon ca nang caunting papel, na ganga tingting nang ualis; sindihan mo ang dulo at pag naguing baga na,i, iyong patamain sa butas nang bucboc, at mauauala ang saquit; bago sindihan ang papel ay isinasaosao muna ga lang̃is. Itong gamot hindi masaquit. Ang gaua nang ibang mang̃a tauo, ay ang canilang muc-ha pinapahiran nang pulot, at gungmagaling sila.
93. Datapoua cun baga caya sungmasaquit ang ng̃ipin sapagca ang litid na munti nang ng̃ipin ay namamaga, hindi macucuha ang saquit, cundi sangrahan ang may catauan at caalam-alam yaon ang icagagaling niya. Pagca sangra, ay magmumog ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, ó cun hindi ibig niya yaon, ay ang tubig na may calahoc na gatas yaon ang ipagmumog niya; saca tapalan ang caniyang pisng̃ing masaquit na ang bilin sa número 9. Caya naalaman, na ang litid nang ng̃ipin, ó ang pinacabalat na matigas na naroon sa ilalim nang ng̃idng̃id siya ang nag-darala nang pagsaquit nang ng̃ipin, sapagca cun ang may cataua,i, naiinitan, yaon ang pagsaquit nang ng̃ipin; cun minsan linalagnat ang may catauan nang malaqui; ang pulso,i, malacas at puno; mapula ang mucha, ang bibig ay mainit; ang saquit nang ulo ay malaquing totoo; namamaga ang ng̃idng̃id, at cun minsan sinisibulan nang bucol na munti; pati nang pisng̃i ay namamaga rin. Caya sinabi co, na bagay dito ang pag-sasangra, at lalo pa cun ang maysaquit ay lumulubha, gaua nang pag-inom nang alac, ó café etc. At cun hindi sangrahan, anomang gauin doon, ay hindi macagagaling sa caniya. Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número 20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at alac, lalo pa cun gab-i. Ang opio, ang triaca, at ang píldoras nan estoraque (camanguiang) ay masama dito, cun ang dahilan nang saquit nang ng̃ipin ay ang litid na nasasailalim noon.
94. Cun ang dahilan nang saquit nang ng̃ipin ay ang pinacasing̃ao ó pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa ng̃ipin, hindi lubhang malaqui ang saquit. Ang pulso,i, hindi lubhang malacas, hindi puno, at hindi matulin; hindi lubhang malaqui ang cainitan nang bibig, at ualang pamamagang malaqui. Cun gayon, ay pupurgahin ang maysaquit nang bilin sa número 21, na yaon ang madaling macauala nang mang̃a maliliuag na saquit nang ng̃ipin. Saca magagamot cun ibig nang may catauan nang bilin sa número 22, at malaqui rin ang cabagsican nitong gamot. Ang parapit sa batoc, sa licoran nang taing̃a, ó sa ibang lugar nang catauan ay maiguirin. Pagca pinurga ang maysaquit, ay mabibig-yan nang píldoras nang estoraque (camanguiang.)
95. Cun minsan ang dahilan nang saquit nang ng̃ipin ay ang cahinaan nang sicmura; ang bagay dito ay ang polvos sa número 14.
96. Cun ang saquit nang ng̃ipin ay casama nang ibang saquit, pagca gamuti,t, mauala itong isa, ay macucuha tuloy pati nang sa ng̃iping saquit. Mayroon namang pagsaquit nang cabiac na ulo, ó cabiac na muc-ha, na yao,i, tinatauag na jaqueca nang castila, at dala nang mang̃a marurumi na tungmatahan sa sicmura; at ang bagay dito, ay ang purga número 21; saca ang dita número 14 pag pinurga na ang maysaquit.
Ang escorbuto
Nota. Mayroon namang ilang saquit na ang pang̃alan nang castila doo,i, escorbuto na yao,i, pagdurugo nang ng̃ipin. Itong saquit na ito,i, totoong sama cun hindi pagcagamuting agad. Ang nararamdaman nang nagcacasaquit nang gayón ay ang mang̃a ganito. Ang catauan niya,i, mabigat na totoo, na dahil doon ay aayao siyang cumibo. Ang mang̃a casucasuan nang mang̃a buto ay lungmalagutoc, cun lungmalacad ang may catauan. Ang hining̃a mabaho, pati nang bibig cung lungmalaqui na ang saquit. Saca ang mang̃a ng̃ipin ay ungmuuga, at ang mang̃a ng̃idng̃id ay linalabasan nang dugo. Bucod dito ang mang̃a ng̃ipin ay tila nang̃ing̃ilo at ga gungmagaspang. Ang mang̃a paa cun minsan namamaga; cun minsan ga natutuyo. Ang balat nang muc-ha ay namumutla, at cun malauon ay ungmiitim-itim. Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nang̃abubuloc ang mang̃a ng̃ipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang mang̃a paa, pati nang ibang mang̃a casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang mang̃a hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na ética, at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.
Ang gamot sa saquit na ito,i, gayon. Ang maysaquit gagaua nang paraang mangyaring sumaya ang caniyang loob. Caya magaling sa caniya ang paglacad na parati, at ang pagdalao na parati sa mang̃a caquilala, nang malibang ang caniyang loob. Mabuti namang pumambo nang malimit sa malamig na tubig. Houag siyang tatahan doon sa mang̃a mababang lugar, na hindi nahahang̃inang maigui. Ganoon din masama, sa gayong saquit ang mang̃a bahay na siquip, ó ang pagtahan sa piling nang mang̃a laua ó nang mang̃a tubig na tahan. Ang pagdurugo nang ng̃ipin mauauala, pagca ng̃uyain nang maysaquit nang malimit ang dahong sariua at hilao nang mostaza. Houag siyang cacain nang mang̃a ma-aalat, sapagca yao,i, masama sa saquit na yaon. Ang carne at ang isda pag hindi sariua,i, masama rin. Ang magaling canin niyang parati ay itong mang̃a ganito. Ang dalandan, ang dayap, ang taing̃an daga, ang sampaloc, ang coles, na ito,i, totoong buti sa caniya; ang mostaza ay magaling namang gulayin niya. Ang damong pinang̃ang̃alang paco, cun doonan nang suca, ay totoong buti sa caniya; datapoua hilao cun cacanin. Ang talbos nang malungay, ang onti, at ang colasiman ay totoong buti namang canin nang nagcacasaquit nang escorbuto. Ang caniyang lahat na cacanin ay mabuti lag-yan nang suca. Ang mang̃a bung̃a nang cahoy, para nang papaya, ates, manga, saguing, sapinit, lanzones etc. ay bagay sa saquit na ito. Masama sa iniis-corbuto ang pag-inom nang tubig na malacuco bagcus ang maigui roon ay ang malamig na tubig.
Datapoua ang maiguing-maigui sa saquit na ito,i, ang pag-inom ó ang pagsipsip touing umaga nang catas nang dalaua ó tatlong dayap na ualang calahoc. Ito,i, gagauin nang mahabang panahon; ng̃uni touing icatlong arao magaling namang itahan, nang houag macasama sa sicmura yaong maasim.