CAPÍTULO 11.
Manuel Blanco translation
Ang Apoplegía, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayón, ay himatayin.
Nota. Pinang̃ang̃anlan din nang tagalog na himatayin ang nagcacasaquit nang epilepsia, párrafo 409, pati nang dinaraanan nang malaquing desmayo párrafo 439. Caya cailang̃ang bacayan ang señal nitong mang̃a saquit.
97. Naalaman nang lahat na tauo, at naquiquilala nila ang apoplegía, yaon bagang calagayan nang tauo, na pagcaraca,i, nauaual-an nang damdam, at hindi macaquibo, at yaon din ang pinang̃ang̃anlan nang tagalog na panhihimatay. Ang pinagmumul-an nitong saquit, ang malaquing galit ó toua; ang pag-iisip nang maliuag ó pagting̃in nang maliuag; ang pagting̃in nang malauon nang pataguilid; ang pagcain nang marami,i, masarap; ang pagpambo nang malauon sa mainit na tubig; ang palo ó sugat sa ulo; ang paggauang parati nang mahalay; ang mahigpit na tali sa liig, ang pag-aamoy nang masamang sing̃ao ó amoy, ó cun ang may catauan inurung̃an nang pauis, galis ó buni ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi; ó cun siya,i, inarauan.
98. Mayroong tauo na parating nanhihimatay, at magaling ang caniyang damdam pati catauan; ito,i, apoplegía rin; datapoua monti; ang dugo ay biglang ungmaac-yat sa ulo, at hungmihina pagcaraca ang maysaquit; datapoua nacacaalam tauo rin nang caunti. Magaling dito sa ganitong apoplegía ang pagsasangra at ang sumpit; at nang houag umuli ang saquit, susundin ang ituturo co sa párrafo 104. Ang totoong galing dito ay ang polvos sa número 24; cun gayón ay umuli man ang saquit, ay malalauon.
99. Ang totoong apoplegía ay dalauang bagay. Ang isa,i, dala nang dugo; cun ang dugo ay marami, mabigat, mataba,t, mainit; caya marahil dumaan itong ganitong panghihimatay sa mang̃a tauong malalacas ang catauan at matataba. Ang icalauang bagay na apoplegía, ay dala nang dugong matubig, na caya dinaraanan noon ang hindi lubhang malacas na tauo na may sarisaring bagay na calahoc sa caniyang dugo.
100. Ang panghihimatay na dala nang cáinitan nang dugo, cun minsan ay nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at mataas, at ang caniyang muc-ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay namamaga rin ang paghing̃a ay mahirap at ga maing̃ay; ang may catauan ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan dungmuroal. Ang gagauin doon, ay gayon.
101. Houag tatacpan ang ulo nang maysaquit; pati nang catauan ay houag cumutan nang macapal na damit, bubucsan ang mang̃a pinto,t, dung̃auan nang silid; cun mayroong bigquis ó tali sa catauan nang maysaquit, cacalagui,t, palulubayin; bibigquisan lamang nang mahipit sa ibabao nang tuhod; ipalulocloc ang maysaquit sa bangco na ang paa ay lauit, at ang ulo,i, mataas; sasangrahan at cucunan nang timbang labindalauang pisong dugo sa paa, ó sa camay, at cun baga malacas tumaliris ang dugo, ooling sangrahan hangang ga macaitlo, ó macaapat ga loob nang apat na oras, cun baga inaacalang macacayanan nang maysaquit; susumpitin naman nang tubig na pinaglagaan nang culutan na may casamang lana, ó lang̃is na bago nang niyog, ga apat na cuchara, at isa pang cucharang asin; ito,i, gagauin touing icatlong oras. Cun mapapainom ang maysaquit, ay painumin nang maraming tubig na dinoonan nang timbang sa icaualong salitre sa isang vaso. Pag tila nasasaulan na ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 23, ó nang crémor timbang isang salapi ó piso, at saca big-yan nang maraming suero nang gatas. Houag paamoyin ang maysaquit nang anomang amoy na matapang. Houag quibuin, hipui,t, tauaguin ang maysaquit, at masamang totoo sa caniya yaon. Pag yari na itong lahat, cun baga hindi nauulian; cundí lungmulubha ay uala nang magaua roon.
102. Pagca gumaling na ang maysaquit, nacacaalam tauo na siya; datapoua cun minsan ang isang camay ó ang paa, ó ang cabiac na muc-ha ay ga namamatay, pati nang dila, na dahil doo,i, hindi mauauatasan ang caniyang uica. Itong pinacabacas nang apoplegía ay nauauala cun malauon, purgahin lamang maminsan minsan ang maysaquit, at houag pacanin nang marami. Anomang gamot na mainit, ay masama roon; ang pasuca i, nacamamatay sa inaapoplegía; caya hindi sucat ibigay sa nagcacasaquit nang gayon; at ibig mang sumuca siya, hindi sucat big-yan nang mainit na tubig man, at macacasama rin sa caniya.
103. Doon sa icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co sa parrafo 99, na ang uica co,i, dala nang dugong matubig, na may bagaybagay na casama, ay gayon ang pag-gamot. Ang maysaquit sasangrahang miminsan lamang, cun ang pulso,i, mayroong catigasang munti; at cun malambot ang pulso, at hindi puno, houag sangrahan ang maysaquit. Saca ipalocloc sa bangco na ang paa nang maysaquit ay lauit. Pupurgahin nang polvos número 21; susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na dinoroonan nang asin maramirami at jabón, ga isang itlog na munti caramí, at hojas de sen pa (cangcong ó acapulco); ito,i, gagauing macalaua maghapon, at yaon ay totoong buting gamot. Sa icatlong arao pupurgahing uli, nang purgang mahina hina at pararapitan sa dalauang binti. Cun baga pinapauisan ang maysaquit, paiinumin nang anomang bagay nanacacapagpapauis; itong pagpapauis doon, ay itutuloy na mahabang panahon, hangan sa siyam na arao, sa halimbaua; at cun minsan itong pagpauis ay macacauala nan mang̃a bacas nang apoplegía. Ang nagcacasaquit nitong icalauang bagay na apoplegía na sinaysay co ng̃ayon hindi lubhang nahihirapan nang paghing̃a. Ang pulso,i, hindi lubhang matigas; cun minsan sungmusuca ang maysaquit, at ang muc-ha,i, hindi mapula, para doon sa isang bagay na apoplegía.
104. Nang houag umuling dumaan ang saquit na apoplegía ó panhihimatay, cailang̃ang maghusay ang maysaquit sa caniyang catauan. Ang lahat na bagay na apoplegía ay maliuag dumaang uli, cun hindi malacas cumain ang maysaquit, at lalo pa cun hindi cumain cun hapon. Saca siya,i, mag-ing̃at sa alac, sa café, sa mang̃a silid na mainit, pati sa arao; mabuti ahitin ang ulo, at basaing parati nang malamig na tubig; houag siyang cacain nang maraming carne, at cun cacain nang carne ay sisiu lamang; bagay sa caniya ang mang̃a gulay, at ang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy; lumacad siyang parati; houag pahahabain ang tulog; at macaitlo touing lingo iinumin niya ang bilin sa número 24 cun umaga. Touing iinumin, ay saicapat ang timbang; at macaitlo sa santaong arao siya,i, magpurga nang bilin sa número 23. Datapoua sa dinaraanan nang icalauang bagay na apoplegía, ang bagay na purga sa caniya ay ang bilin sa número 21. Magaling naman sa nanghihimatay ang fuente. Cun baga gumaling man ang maysaquit, siya,i, ga naliliyo, ó dungmarami ang caniyang dugo, ó quiniquisig siya sa mang̃a catauan niya, ang gagauin agad, ay magsangra siya at maghusay sa caniyang pagcain, nang houag magcasaquit uli nang malaqui.