← Table of contents
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

CAPÍTULO 12.

Manuel Blanco translation

Ang gagauin sa nagcacasaquit dahil sa inarauan; sa uicang castila,i, insolación.

105. Cun ang arao ay mainit, ang mang̃a cahoy, ang mang̃a bato, pati nang tangso ó bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit, na cun minsan hindi mahipo nang camay. Gayón din ang tauo cun siya,i, inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao, nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinang̃ang̃anlang insolación.

106. Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macating̃in sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla. Ang caniyang lagnat ay malaqui; aayao siyang big-yan nang anomang gamot; hapay ang loob niya at cun minsan nauuhao, cun minsan hindi. Mayroong tauo, na dahil sa siya,i, inarauan maghapon, ay namamatay; at ang inasal nang mamamatay, ay para nang inasal nang quinacagat nang asong bang̃ao. Cun ang tauo,i, nacacatulog sa arauan, ay lalo pang masama; at cun lasing ay lalo pa man din. Mayroon namang iba, na dahilan sa pagca inarauan, ang mata,i, sinising̃auan ó naguiguing lirain, ó ga naguguló ang canilang pagting̃in, ó cun minsan anaqui mayroon silang naquiquitang lungmilipad na parati sa canilang harap. Ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, apoplegía; cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang angina ó garrotillo; ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao.

107. Ang gamot sa inarauan ay ang pagsasangra; saca ang mang̃a bagay na malalamig gagamitin doon sa ipinaiinom, sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa maysaquit. Ang pagsasangra ay cailang̃ang totoo, at cun hindi pa nauauala-uala ang hirap nang maysaquit, uuling sasangrahan. Ang isusunod sa pagsasangra ay ang baños sa tubig na malahining̃a lamang, at houag sa mainit. Ang pagbabaños ay paparatihing gagauin, sapagca totoong igui sa saquit na ito. Datapoua cun ang maysaquit ay malubha, ang boong catauan ay babañosan; saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan. Paiinumin nang limonada, ó cun ualang dayap, ang tubig na may sucang caunti ay maigui rin; ang suerong malinao nang gatas, na sinasamahan nang caunting suca ay lalo pang mabuti; itong lahat na painom ay malamig cun inumin. Ang noo, ang quibotquibotan, ó ang boong ulo,i, lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malamig. Ang bilin sa número 32 magaling ding inumin touing umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit.

108. Cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong mang̃a gamot, sinabi co ng̃ayon, ay cailang̃ang pambohan, ó ibabad ang maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang maysaquit.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings