TAGALOG NA BABASA
Manuel Blanco translation
Itong librong quinasusulatan nang mang̃a paraan nang pag-gamot sa mang̃a maysaquit ay gaua nang totoong dunong na tauo na si Tissot ang ng̃alan, at inialay niya sa mang̃a maysaquit na nagtatahan sa buquid ó sa mang̃a nayong malalayo sa bayan. Caya doon sa boong Europa hindi lamang ang hindi Médico, cundi pati nang mang̃a matataas na Médico ay canilang minamahal at pinupuring totoo: sapagca malinao at mariquit ang pagsasaysay nang mang̃a sarisaring nararamdaman nang nang̃agcacasaquit nang iba,t, iba, na dahil doon sa pagsasaysay na yao,i, sinoman macahuhula,t, macacaquilala cun anong bagay na saquit ang tungmama sa tauo. Ang isa pa roo,i, ang caramihang gamot na ipinagbibilin niya sa mang̃a mangagamot, ay ualang liuag hanapin.
Caya ng̃a yata, nang dumating sa aquing camay itong caguilaguilalas na libro,i, pagcaraca aquing isinalin sa uicang tagalog, aua co sa mang̃a mahihirap na maysaquit na tagalog. Houag isipin ninyo, na yaong mang̃a gamot na nabibilin dito,i, ualang cabagsican, sapagca ualang liuag gauin. Bagcus yaong mang̃a mangagamot na nagtuturo sa mang̃a maysaquit nang mang̃a maliliuag, at nang cun anoano ang pang̃alan, ay sila ang hindi maalam, at sila rin ang nananampalasan sa buhay nang mang̃a tauong caauaaua; at bucod dito canilang pinagdarayaan at pinag-gugulan nang malaqui, bago hindi cailang̃an.
Gayon din cun inyong ituloy gauin yaong mang̃a cadatihan ninyong pag-gamot na cun papaano, at yaong mang̃a painom na at ang mang̃a tapaltapal, inyong quinabisanhan hanga ng̃ayon, ay houag cayong umasang magpapagaling sa mang̃a maysaquit. Itong libro at ang mang̃a nabibilin dito,i, yaon ang catungculan ninyong pagpilitan sundín, at totoong daling maquiquita ninyo ang caniyang galing.