← Table of contents
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

CAPÍTULO 7.

Manuel Blanco translation

Ang sintac sa dibdib, na pinang̃ang̃alan nang mang̃a médicong pleuresia, ó dolor de costado.

56. Ang pleuresía ó ang sintac sa dibdib ay catulad nang saquit na pulmonía na sinasaysay sa itaas sa capítulong nacalalo. Dito sa pleuresía, ang baga nang maysaquit ay namamaga rin para doon sa nagcacasaquit nang pulmonía; datapoua,t, itong pamamaga nang baga nang sinisintacan ay sa dacong ibabao, at ang nararamdaman niya ay gayón.

57. Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag-ya na macahing̃a ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang mang̃a taguiliran nang dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit. Bucod dito,i, namumula cun minsan ang pisng̃i, at ga ibig sumuca ang maysaquit. Cun minsan hindi nararamdaman ang saquit nang dibdib, cundi lungmalo muna ang ilang oras, ó sa icalaua ó sa icatlong arao nang pagcacasaquit. Ang pulso nang maysaquit ay matigas; datapoua cun malaquing totoo ang saquit, at mapang̃anib ang buhay nang tauo, ang pulso ay malambot at munti. Cun minsan ualang lura, at uala ring ubo. Mayroon namang iba, na binabaling̃oyng̃oy, na ito,i, nacaguiguinhaua sa may catauan. Datapoua cun minsan ang tumutulong dugo ay buloc, na yaon ang pinacatanda na malapit nang mamatay ang tauo. Cun minsan tila mamamatay na ang maysaquit, at bagcus siya na ang paggaling niya.

58. Ang gamot sa pinipleuresía ó sinisintacan ay para nang pag-gamot sa pinupulmonía. Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailang̃an sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa mang̃a binti ó doon sa lugar na masaquit.

59. Saca ang ibang gagauin doon ay naituro co na doon sa itaas sa párrafo 31 hangang sa párrafo 40 Sa lahat na bagay, ang totoong sucat igamot dito ay ang bilin sa número 8; at pagca bagong nagcasaquit ang tauo, ay tatapalang agad nang bilin sa número 9; at cun hindi pa nauauala ang sintac, parapitan doon sa masaquit. Gayon din ang pag-gamot sa mang̃a babaying sinisintacan; at may panahon man, masasangrahan din.

60. Cun munti ang sintac, ay marahil mauala pag sinangrahang minsan ang maysaquit, at pag pinainom nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; itong tubig ay dinoroonan nang caonting pulot.

61. Ang saquit nang pleuresía ay nauauala sa paglura, ó sa pag-ihi, ó sa pagpauis, para nang pulmonía; cun minsan naman sinisibulan ang maysaquit nang baga sa loob, ó tinutuboan nang bucol na matigas doon din sa loob, ó cun minsan nama,i, nabubuloc ang caniyang baga, para nang sinabi co na sa capítulo nang pulmonía.

62. Ang nagcacasaquit nang gayon hindi sucat big-yan nang triaca, cordial, castol, ruda, at nang mang̃a bagay na nacacapagpapauis.

63. Ang tauong ungmiinom nang tubig na malamig, capagca siya,i, totoong nainitan, ay marahil magcasaquit nang pleuresía ó sintac; at mayroon cun minsang tauo, na pagcainom mandin, namamatay.

Nota. Bucod dito sa saquit na sintac na sinaysay co ng̃ayon, mayroong isa pang bagay na sintac nang apdo ó biliosa, na yao,i, isa rin nang pulmonía nang apdo ó biliosa, na sinaysay co sa nota 1, nang párrafo 55, na pati nang pag-gamot ay isa rin. Caya susundin ang lahat na turo doon din sa notang yaon.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings