CAPÍTULO 8.
Manuel Blanco translation
Ang saquit na ang pang̃ala,i, garrotillo, at ang ibang mang̃a saquit sa lalamunan nang tauo.
64. Marami ang saquit nang lalamunan nang tauo. Ang malimit dumaan doo,i, ang pamamaga niyong mang̃a casangcapang nadoroon, na siya ang tinatauag na garrotillo, na camuc-ha rin nang saquit na pulmonía; ibang casangcapan lamang ang nasasaquitan.
65. Cun ang lalamunan ang masaquit, ay bahag-ya na macalunoc ang tauo nang anoman. Ang tubig at ang lauay lalong maliuag lunuquin. Guiniguinao ang maysaquit; nalalagnat siya nang malaqui, masaquit ang ulo, at ang ihi ay mapula. Datapoua cun ang namamaga ay ang naroong malapit sa dinaraanan nang hining̃a nang tauo, ang paghing̃a ay mahirap, hindi tahimic ang maysaquit, at tila nahuhunghang; ungmaabot cun minsan ang saquit hangan sa baga, at namamatay ang tauo. Cun namamaga yaong lahat na yaon, sampon nang cutil pati nang puno nang dila, at ang ibang mang̃a casangcapang naroon sa piling noon, ang may catauan ay totoong cahabaghabag; namamaga ang boong muc-ha; hindi siya macalunoc; ang paghing̃a ay maliuag; lungmalabas ang dila, ang pulso ay maralas at mahinang-mahina, at cun minsan lungmilibang; at ang maysaquit ungmaabot lamang hangan sa icatlong arao, at namamatay. Ang pinangagaling̃an nitong saquit ay ang pag-urong nang pauis, ang paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat sa hang̃ing malamig, ang pagbasa, ó ang pag-uiuica ó pagcacanta nang malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ó ang pag-inom nang malamig na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.
66. Ang saquit ay ungmaalis cun minsan sa loob at napapasalabas; cun gayo,i, magaling-galing ang pagcaramdam nang maysaquit. Datapoua cun sa utac, ó sa baga mapatung̃o,i, mahirap at mapang̃anib ang may catauan.
67. Ang pag-gamot sa nagcacasaquit nang gayón, ay para nang guinagaua sa pulmonía. Ang maysaquit ilalagay sa husay (capítulo 4), at cun baga mahirap na totoo ang caniyang lagay para nang sabi sa itaas sa párrafo 65, cailang̃ang sangrahang macaapat ó macalima sa loob nang ilang oras; paiinuming parati nang bilin sá número 2, at número 4. Datapoua sapagca sa ganitong saquit ay hindi sumagui cun minsan sa lalamunan ang ipinaiinom, caya cailang̃ang sumpitin touing icatlong oras ang maysaquit nang bilin sa número 5; at macaitlo maghapon ibababad ang caniyang mang̃a paa sa mainit na tubig ga calahating oras calauon. Saca tapalan ang liig niya nang bilin sa número 9.
68. Maigui ring carlitan muna sa liig ang maysaquit, na totoong malubha na, ng̃uni houag lalaliman ang carlit, bago tacluban nang ventosa roon. Pinapagmumumog naman siya nang bilin sa número 19; at pinasisipsip nang sing̃ao nang tubig na mainit na macaanim maghapon.
69. Cun ang cutil at ang dalauang tila bucol na capiling noon, yaon lamang ang masaquit, at namamaga, ay cailang̃an ding sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun ang pulso ay matigas at puno; ito,i, gagauin agad, maca cun pabayaan yaong pamamagang yao,i, mapatung̃o ang saquit sa baga: at cun minsa,i, uuling sasangrahan cun cailang̃an pa.
70. Cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at maghusay sa caniyang pagcain, sa pag-inom, at sa pag-gaua, ay hindi cailang̃ang sangrahan. Datapoua,i, magaling na lalo ang sangrahan, at painumin nang bilin sa número 2. Saca bañusan hangan tuhod ang maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. Tatapalan naman ang caniyang liig nang bilin sa número 9. Saca pinapagmumumug nang aquing turo sa número 19, at macaanim maghapong pasipsipin nang sing̃ao nang mainit na tubig ayon sa bilin sa número 53.
71. Cun baga hindi maalam magmumog ang maysaquit, ang caniyang ipagmumumog pinatatama nang sumpit na munti, na cauayan man, doon sa caniyang lalamunan; itong ganitong pagsumpit ay totoong buti, at cun minsan siya ang iquinapagpapalabas nang maraming malalagquit na cungmacapit sa ilalim nang lalamunan, at siya rin ang iquinaguiguinhaua nang maysaquit. Datapoua,i, itong pagsumpit na ganito ay lilimitan.
72. Cun ang saquit nang lalamunan ay natatalo niyong mang̃a gámot na yaon, sa icatlong arao ó sa icaapat hangang sa icalima, ay gumagaling na ang maysaquit; at cun ualang sisibol doon, sa icaualong arao malaqui ang caniyang pag-galing.
73. Cun minsan cun guinagamot ang maysaquit, ay umuunti ang lagnat at ang ibang mang̃a hirap; datapoua,t, ang lalamunan ay para nang dating masaquit. Ang gagauin doo,i, itutuloy ang pagmumumog, at ang pagsipsip nang sing̃ao nang mainit na tubig número 53; saca cun mayroong marunong na médico ipahiua sa caniya yaong dalauang bucol ó agallas na masaquit, na naroon sa piling nang cutil, at gagaling ang may catauan pagca linabasan nang caunting dugo yaong mang̃a bucol na yaon.
74. Cun hindi paanyo ang pag-gamot sa maysaquit, cun minsan tinutubuan nang sibol doon sa lalamunan, na cailang̃ang hiuain, cundí pumutoc siyang cusa sa icalima ó sa icaanim na arao. Ang sibol ay maquiquitang magaling nang mata, pagca pinang̃ang̃a ang maysaquit; caya bago hiuain, ay maghahanda ang médico nang isang lanceta, na durugtung̃ang magaling sa dulo nang patpat na munti; saca tinatacpan nang damit, houag lamang ang dulong matulis, at yaon ang ihihiua roon sa sibol, na naquitang naroroong maputi at malambot doon sa masaquit na lugar. Cun nahiua na ang sibol ay napupuno nang nana ang bibig, at caya ang maysaquit ay magmumumog nang bilin sa número 19. Cun minsan ang sibol ay dalaua.
75. Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinang̃ing̃ilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam. Mayroon namang mang̃a butil na maputi sa mang̃a ng̃idng̃id at sa loob nang pisng̃i, pati sa mang̃a labi, at masama ang lasa nang bibig.
76. Ang gagauin nang maysaquit pagca gayon, ay ang malacucong tubig na may calahoc na gatas, ay siya ang ipagmumog niya. Saca sipsipin niya ang sing̃ao nang mainit na tubig, at doonan ang caniyang liig nang bilin sa número 9. Saca ipauusisa niya sa médico ang quinadoroonan nang sibol, at ipahiua sa caniya. Magaling namang sumpitin sa lalamunan nang tubig na malacuco, upan din pumutoc ang sibol, cun mag-ubo ang may catauan. Itong pagputoc nitong sibol hindi nacacaano sa maysaquit, at uala acong naring̃ig na namatay dahil doon.
77. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dínaraanan nang pagca ibig sumuca, gaua nang mang̃a malalagquit na lura na naniniquit sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big-yan nang pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon.
Nota. Bucod sa saquit na garrotillo na sinasaysay co sa capítulong ito i, mayroong isa pang bagay na pagsaquit nang lalamunan nang tauo, na cung minsan nacamamatay sa marami. Ang pang̃alan doo,i, mal de garganta ulcerado, ó garrotillong may sugat. Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang mang̃a butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na parang calisquis. Sa loob nang lalamunan mayroong namang mang̃a sugat, at mapait ang bibig Ang gamot doo,i, catulad-tulad nang gamot sa lagnat nang apdo capítulo 20; ng̃uni hindi sucat sangrahang hamac ang maysaquit. Ang pasuca número 25, ó ang sa número 35, ay totoong buti doon, cun uala nang lagnat ang maysaquit. Ang purga, ay hindi magaling doon. Ang parapit sa binti ay totoong bagay sa saquit na ito. Gayon din mabuti rito ang pag-inom nang maraming tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, at ang pagmumumog nang bilin sa número 19. Magaling naman sa maysaquit na malubha ang bilin sa número 80, na yao,i, turo ni Buchan.
Ang gamot sa bucol, na ang pang̃alan nang tagalog doo,i, bayiqui, ó bayicqui.
78. Cun minsan namamaga yaong dalauang glándulas, ó bucol na naroon sa piling nang tayng̃a,t, sihang; cun minsan yaong dalaua namang hinihipo sa ilalim nang guitna nang sihang, na glándulas din yaon, at parapara nang sila ang pinangagaling̃an nang lauay nang tauo; itong saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom, na tinunao sa caunting suca. Datapoua cun ang boong liig ay lungmalaqui, na maralas dumaan itong saquit sa mang̃a babayi sa provincia nang Batang̃an, ay basahin mo ang párrafo 261 at ang 262, at sundin ang mang̃a turo doon.