← Table of contents
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

CAPÍTULO 2.

Manuel Blanco translation

Ang mang̃a dahilang iquinalalaqui nang mang̃a saquit nang tauo.

10. Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit. Datapoua,i, mayroong mang̃a saquit, na hindi bagay doon ang pauis, sapagca hinahacot nang pauis ang pinacatubig na calahoc nang dugo, at caya ang dugo,i, lumalapot, natutuyo,t, umiinit. Caya ng̃a yata hindi bagay sa nalalagnat ang triaca, ang alac, at ang lahat na nacacapagpapauis sa tauo.

11. Ang mang̃a maysaquit tinatabing̃an, quinucumutan, linilibutan nang maraming tauo, sinasarhan naman ang lahat na pinto,t, dung̃auan; itong lahat na gauang ito,i, nacacahirap sa maysaquit, at nacacalubha sa caniya; na ang ualang saquit ma,i, hindi macacapagtiis noon. Caya masamang gauin yaong mang̃a gauang yaon, lalo na cun ang idinaraying nang maysaquit ay ang init, at cun naquiquita namang tuyo ang caniyang balat, ang mang̃a labi, ang dila, at ang lalamuhan at saca mapula ang ihi, at cun ang ibig niyang totoo ay ang mang̃a bagay na malamig.

12. Ang ipinacacain sa maysaquit, ay isa namang nacasasama sa caniya. Ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi pacanin nang mang̃a bagay na magaling; caya binibigyan nang masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang masama sa maysaquit, at caya na-aalamang masama, ay cun minsa,i, lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: ó siya,i, sungmusuca, nag-iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang pinaiinom mandin nang lason. Caya gayo,i, sapagca anomang isilid sa sicmura nang tauo na may dumi sa loob, nabubuloc pagdaca at nacasasama bagcus sa caniya. Cailang̃ang linisin muna ang sicmura, at painomin ang nalalagnat nang mang̃a bagay na nacacatunao nang mang̃a malalagquit na dumi doon. Uala isamang nalalagnat na tauo na namatay dahil sa gutom: at alin mang nalalagnat, di man pacanin nang anoman sa loob nang ilang lingo, hindi ma-aano, houag lamang maual-an siya nang tubig.

Caya pacatalastasing maigui nang mang-gagamot, na yaong maysaquit na marumi ang dila, na nananab-ang nang pagcain, at mapait ang bibig; ang dungmoroal, ang parating mabaho ang hining̃a, pati nang ini-iilaguin, ito anaquing ganitong maysaquit ay hindi sucat big-yan nang carne, sabao, itlog, triaca, at nang iba pang mang̃a maiinit: at hindi mangyayaring macuha yaong duming malagquit sa sicmura, cundí painumin nang maraming totoong tubig na nacacatunao noon. At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang mang̃a bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon.

13. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa mang̃a saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama. Ang purga nacacasama,t, nacacagulo sa lahat na bituca, na yaon ang iquinamamatay nang tauo. At nang maalaman cun cailan bagay sa maysaquit ang purga at ang pasuca, hanapin ang pang̃alan nang saquit dito sa libro sa caniyang capítulo at doon sasabihin ang gagauin.

Nota. Dahil sa casam-an nang pag-gamot sa mang̃a maysaquit dito sa Filipinas, ang maraming tagalog ay idinaraying nilang may matigas sa canilang tiyan; at bagamán hindi nacacamatay yaong saquit na yao,i, cun minsan nacagugulo sa mang̃a catungculan nang sicmura,t, bituca. Itong saquit na ito,i, maliuag gamutin; magaling doon ang suero número 17, ang píldoras número 18, pati nang sa 57; maigui rin ang mang̃a gulay at ang mang̃a saguing etc. na nacagagaling-galing cun malaon.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings