← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

SA ICATLONG DOMINGO.

Antonio Florentino Puansen translation

3. Isang mabait na babayi sa caharian nang Bélgica ay sumulat sa caibigan niya,[6] na isang matandang lalaqui, na totoong minamahal niya, at pinagnanasaan nang magaling, ay nabubuhay na parang, hindi binyagan, at nilimot na ang Dios, at hinamac ang caniyang caloloua, yayamang tatlong puô at limang taong mahiguit na hindi dumudulog sa Confesion, at ayao nang anomang devocion: at bagaman hindi miminsang inamó nang mang̃a caibigang; dapat caalangalang̃anan, at dinatnan naman nang sarisaring sacunâ at hirap sa talaga nang Dios, ay hinamac na lahat, at lumagui sa catigasan nang loob. Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubhâ ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumiting̃in sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasamâ ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dugô, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdaló ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniamó sa Santo Patriarca na siya ay tulung̃an, at ipinang̃acong dadasalín sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang mang̃a sáquit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalang̃in niya.

At madalíng namung̃a nang maganda ang paghing̃î nang auá sa Poon San Josef, sapagcat sa unang Domingo ay dinalao ang maysaquit nang isang Sacerdote, at ito ay tinangap na mahusay, at pinagsabihan na ibig niya ang Confesion: at nagpaquita nang taimtim na pagsisisi, at quinabucasan ay hining̃i ang Viático, at ang Oleo Santo: at cahit hindi na macacaya sa lubos na cahinaan, ay nagpilit na lumuhod sa hihigán, at paluhod na tinangap si Jesucristo, na mahabang arao na nilimot: at mulâ niyon at tumahimic, at naquitaan nang casayahan hangan sa namatay.

Notes in this chapter

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings