ICAAPAT NA DOMINGO.
Antonio Florentino Puansen translation
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, sa misterio nang Purificacion ni María, niyong ihain si Jesús sa templo nang Jerusalen.
Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jesús sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni María at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef.
Pagninilay sa icaapat na Domingo.
Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni Jesús, at pinagcalooban siya nang tunay at maning̃as na pagibig sa bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan. Cayâ niyong si María ay pumaroon sa templo, nang maihain ang Niño Jesús, at maganap ang utos nang Ley ni Moises, ay lubhang nalunusan ang masintahing si Josef, sapagcat narinig doon ang sinabi nang Profeta Simeon, ucol sa madlang hirap at pagcamatay ni Jesús, at sa mang̃a hapis na parang sundang na macasasaquit sa pusó nang Virgeng Ina.
Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, ng̃ masacop ang tauo, ng̃uni sa pang̃ung̃usap ni Simeon, ay nanariuá at umantac ang sugat nang pusó at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jesús, ang mang̃a tampal at hampas, ang mg̃a tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang mg̃a pacó, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapasáquit sa caniya.
At nalalaman naman ni Josef na si Jesucristo ay mananalo, at moling mabubuhay sa icatlong arao nang caniyang pagcamatay, ay masisirá ang capangyarihan nang Demonio, sapagcat ang tauo ay mahahang̃ò sa pagca alipin niya, at marami ang magcacamit nang Lang̃it sa cabagsican nang mang̃a carapatang ualang hangan nang Mesias na Mananacop: at sa bagay na ito ay napasalamat sa Dios ang Esposo ni María, at ang hapis nang caniyang pusò ay binihisan nang malaquing ligaya.
Nagpacababa si María, sa pagsunod sa utos na hindi namimilit cundi sa mang̃a babaying nauaualán nang pagca-vírgen, at nagpacababa si Josef, na tumalaga sa calooban nang Dios, niyong ihain sa templo ang mahal na sangol sa icaapat na puong arao nang pang̃ang̃anac sa caniya.
Tayo naman ay magpacababá at umalinsunod sa calooban nang Dios, ng̃ paquinabang̃an natin magparating man saan sa Lang̃it ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus.