ICAPITONG DOMINGO.
Antonio Florentino Puansen translation
Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong si Jesús ay nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang Jerusalen.
Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pusó cay Jesús, María, y Josef, at ticahing gaoin at ialay taón taón itong devocion nang pitong arao na Domingo.
Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa mang̃a caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion.
Pagninilay sa icapitong Domingo.
Alinsunod sa ugaling hindi sumasala taón taón, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si María at si Josef casama ang Niño Jesús, na ang edad ay labin dalauang taón, at sa pagdalao na ito ay natirá sa templo si Jesús, at hindi namalayan ni María at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Niño ay uala.
Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong yaon ang mang̃a lalaqui ay nabubucod sa mang̃a babayi sa loob nang templo, at sa pag lacad naman, at ang mang̃a batà lamang na para ni Jesús ang nacahahaló, cun saan nila ibig, cayá inisip ni María na si Josef ang casamang umaacay sa Niño, at inisip ni Josef na ang Niño ay hindi lumalayo sa mahal niyang Ina.
Hindi ng̃a casalanan ó capabayaan ni María at ni Josef, ang pagcauala ni Jesús, cundi calooban nang Dios, nang lalong magning̃as, at madalisay ang pag ibig nila. Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na nacaupô, at naquiquipagsagutan sa mang̃a pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunung̃an nang batang caharap.
Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang hang̃an.
Mang̃a salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa mang̃a biyayang nacamtan nang mang̃a mauilihin loob sa caniya.