← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

PANALANG̃IN.

Antonio Florentino Puansen translation

Pang̃inoon namin Dios, na sa mataas na carunung̃an nang iyong pamamahalá, ay pinili mo si San Josef, na naguing Esposo nang cabanalbanalan mong Ina: ipagcaloob mo sa amin, yayamang siya ay quiniquilalang Pintacasi, at iguinagalang dito sa lupa, na cami ay tulung̃an nang macapangyarihan pamamaguitan niya sa Lang̃it, na tinatahanan mo, at pinaghaharian casama nang Ama, at nang Espíritu Santo magparating man saan. Amen.

Ipagdasal nang isang Aba po, Santa María, ang mang̃a caloloua sa Purgatorio.

Mang̃a pagninilay na babasahin sa pitong arao na Domingo.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings