SA ICALAOANG DOMINGO
Antonio Florentino Puansen translation
2. Sinasalita nang Priora nang isang convento, na isang casama niyang monja, na ang edad ay dalaoang puô at ualong taon, at dating malacas at magaling, ay nacaramdam nang saquít sa lalamunan, at pagdaca ay namaus at nauala tuloy ang tinig niya, at umabot ang saquít hangan sa sicmura: at sa parating dinadamdam na malaquing cabigatan, at casiquipán nang dibdib, at licod, ay naquilala nang mang̃a médicos at ipinahayag nila, na ang saquít nang monja ay na sa dibdib, at ualang gamot na macagagaling. Hindi nasirá ang loob namin sa ganoong hirap, ang uica nang Priora, at cami ng̃a ay dumulog at nanalig sa Poon San Josef, na moli at moling ipinagsiam na arao namin, cahit ualang naquiquitang caguinhauahan. Sa lagay na yaon, sapacat ang monja ay lubhang mahinà, ipinahatid namin sa enfermeria ó silid nang mang̃a maysaquit ang mahal na larauan ni San Josef, at cami ay umilao sa paghahatid na parang procesion, at minulan namin sa enfermería ang devocion nang pitong arao na Domingo, na totoong nacalulugod sa Santo Patriarca.
Dinaanan nang malaquing hirap ang caauaauang maysaquit sa loob nang icapitong lingó, at siya ay nalulumbay, at cami naman, at ang isip namin ay mamamatay na; ng̃uni sa sumunod na arao nang Domingo ay nagnasang pumaroon sa coro; at humarap sa bendicion nang Santísimo, at nangyari ang nasà niya, sapagcat inacay namin, at pagdating doon, ay nang̃ang̃apus ang hining̃a. Niyong itinaas nang Sacerdote ang Santísimo, at iguinauad ang bendicion, naisipan nang maysaquit ang maquiauít sa mang̃a ibang religiosas, at nahalata sa ganoong pagpipilit na siya ay ualang tinig, datapua iyon ang sandaling pinili nang mahal na Esposo ni María, nang matanyag ang macapangyarihang auá niya. Nasalubong co ang maysaquit, na nangagaling sa coro, at parang nang̃ing̃inig na nang̃usap nang ganito: Maliuanag na ng̃ayon at matunog ang aquing tinig. At sumama sa amin sa coro, at doon dinasal na malacas ang letania cay San Josef.
Caming lahat ay parang naualan nang loob, at siya ay nilibot namin, at pinaquingan, sapagcat ualong buang nauala ang tinig niyang iyon, at hindi matapustapus ang mang̃a tanong namin sa caniya, at cami ay totoong nagtataca sa malaquing biyayang ipinagcaloob ni San Josef sa iniirog na capatid namin: at gumaling na siya, at lumacas na para nang dati mulâ niyon, at nagaganap na ang mang̃a catungculan niya.