← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

SA ICAAPAT NA DOMINGO

Antonio Florentino Puansen translation

4. Isang dalagang mabait na ang ng̃alan ay Josefa, mauilihin loob sa Virgen María, sapagcat mulâ sa cabataan ay naramdaman na siya ay natatalaga sâ calagayan nang mang̃a Hermanas de la Caridad, ay umalinsunod sa tauag at calooban nang Dios, at sa icalabing pitong taon nang malaquing casipagan, sa pagganap nang mang̃a catungculang ipinagcatiuala nang mang̃a punó sa caniya, at pagcatapus nang taon nang pagsuboc, ó año de noviciado, ay natuloy na ang pagsosoot niya nang hábito. Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na ng̃a nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mulâ niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang mang̃a catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umuî sa bahay. Tiningnan siya, at inalagaang magaling nang caniyang familia; at ganoon man ay hindi siya mapalagay, at parating ipinagbubuntong hining̃a ang unang calagayang iniuan: at limang buan na nag amoamó sa mang̃a dating punó, na siya ay moling tangapin, at hindi naman pinaquingan.

Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, ó pagsisiam na arao, nagtiis nang hirap nang ayuno, at mang̃a ibang pasáquit, at pumasoc sa ibang convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; ng̃uni anoman ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating iquinababalisa ang nagauang sala. Sa ganoong hirap ay hinatulan nang isang caibigan na siya ay paampon cay San Josef, at ialay sa maauaing Patriarca ang devocion nang pitong arao na Domingo: at minagaling niya ang hatol, at inasahang cacamtan sa buan nang Marzo ang biyayang ninanasá. Anim na lingong nagtiagâ sa taimtim na pag amo cay San Josef, na siya ay tulung̃an, at sa icalabing pito nang naturang buan ay naquilala ang auá nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon ay nasalubong siya nang dating punó, at sa pagquiquita nila, ay nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa inalisang comunidad, cun matapus niya ang año de noviciado, na para nang una.

Sa icalabin siam nang Marzo, arao nang fiesta ni San Josef, ay moling isinoot ang iniuang mahal na hábitó, at mulâ niyon ay tumahimic ang loob niya, at nacamtan nang caloloua ang capayapaang nauala.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings