SA ICAANIM NA DOMINGO
Antonio Florentino Puansen translation
9. Sa isang convento nang mang̃a babayi sa ciudad nang Falalen, provincia nang Namur, sa caharian nang Bélgica, ay nagcaroon nang isang religiosa Inglesa,[7] na maraming pamangquing protestante.[8] Dinalao ang religiosa nang isa sa mg̃a nasabing pamangquin, at sapagca,t, ito ay mairog at mababang loob, ay quinalugdan ng̃ ale, at iniamô sa mang̃a caibigan at casamang religiosas, na pagtulung̃an nilang hing̃in sa Dios, na ang caniyang pamangquin ay cumilala at sumucô sa Santa Iglesia: at inaralan nang caunti ang pamangquing napaalam. Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang mang̃a aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalang̃in cay San Josef, at hinihing̃i ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang mg̃a ibang religiosas, na siya ay tulung̃an: at tinipon nila ang mg̃a batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion ng̃ pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanasâ. At parang napilitan ang maauaing Patriarca, sapagcat ang batang na sa Inglaterra, ay hindi napalagay sa nasang pumaroon sa Bélgica, at muling dalauin ang caniyang ale, at pinahintulutan naman nang ina.
Nagtaca ang mg̃a religiosas, niyong sila ay maquita, at quinilala nang lahat, na ang pagdating doon nang batâ, ay gaua ni San Josef: at napagmasdan na siya ay parang tulig, na ualang masabi cundi dadalauin lamang ang caniyang ale. Sa bagay na iyon ay sináquit ang paghing̃i ng̃ auâ sa Dios, at moling inialay sa mahal na Esposo ng̃ Vírgen María ang devocion ng̃ pitong arao na Domingo. Pagcaraan nang limang lingó ay naparoon sa convento ang Inglesita,[9] at moling dumalao sa ale, datapua nalulumbay, at hindi matutong magsalita, isinaloob na siya ay maysaquít, cahit ualang damdam, at nag acalang umuì sa bayan niya.
Nalumbay naman ang mang̃a religiosas, at nang̃usap nang ganito sa mang̃a bata sa escuela: Ang mang̃a panalang̃in ninyo ay ualang cabuluhan, sapagcat ang Inglesita ay protestante hangan ng̃ayon, at siya ay uuî na. At ang pitong può at tatlong batang naroroon, ay sabay tumutol nang ganito: Pagpapalain at paquiquingan ni San Josef ang mang̃a panalang̃in at pagpilit namin, at mabibinyagan ang inglesita. At quinabucasan ay muling nag alay sila nang isang pagsisiam, na matatapus sa icapitong arao na Domingo,casabay nang devocion nang siete Domingos:
Sa Lunes na sumunod ay naparoon ang inglesita sa convento, at talagang paaalam sa ale, at sa mang̃a ibang religiosas, datapua hindi siya mapalagay, at nararamdaman sa loob niyang sarili ang pagtatalo nang gracia at nang herejia.[10] Nagtagumpay ang gracia, at sa hindi na siya macalaban sa tauag nang Dios, ay moling humarap sa caníyang ále, at nagsabi na siya ay magsasaulî sa tunay na pananampalataya nang caniyang mang̃a magulang; at sa pang̃ung̃usap nang ganoon, ay nahahalatá ang malaquing casayahán nang loob niya. Sabay na natapus ang devocion nang Siete Domingos, at ang novena sa arao nang Domingo 26 nang Enero nang taóng 1868, at sa naunang Viérnes á 24 ay tinangap ng̃ inglesita ang Santo Bautismo.