← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

ICALIMANG DOMINGO.

Antonio Florentino Puansen translation

Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si María dahilan sa pag usig ni Herodes.

Sa Comunion nitong icalimang Domingo hing̃in cay San Josef na ilayô sa atin ang anomang bagay, na nacasisirá ó nacalalamig nang pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay parang ídolo nang pusò, na dapat bumagsac at madurog.

Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa mang̃a caloloua nang mang̃a Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa mang̃a bayang hindi binyagan.

Pagninilay sa icalimang Domingo.

Hindí nalaon ang pangyayari nang hulâ nang banal na Profeta Simeon, na si Jesus ay uusiguin, at pagbabantaan nang masamâ. Pagcaraan nang ilang arao ng̃ paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef ng̃ isang Angel, at pinagsabihan na siya ay bumang̃ong madalí, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si María, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang mg̃a sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan.

Nalubos ang hapis ni Josef sa biglang pagpanao na ito, sapagca,t, sa cahirapan nang caniyang buhay hindi nacapaghanda nang anoman, malamig ang panahon, mapanganib ang dadaanan, ang Vírgen María ay labing anim na taon ang edad, at ilang lingo lamang ang Niño Jesus: ang paroroonan ay lubhang malayó, at bayan nang hindi sumasamba sa Dios na totoo. ¿Macailan cayáng nagutom, at nauhao si María at si Jósef sa paglalacbay na yaon, macailang nabasâ ng̃ ulân, na ualang masilung̃an?

Dumating sila sa Egipto sa icalaoang buan ng̃ canilang pag lalacád, at pagpasoc doon, ay naligaya naman si San Josef, sapagca,t, nadamdamán nang mg̃a Demonios, na naroon, at nananahán sa mang̃a ídolos, na sinasamba nang mang̃a egipcios, na si Jesús ay na sa harap nila, at sa hindi matiis ang bagay nang nacapangyayari sa lahat, ay nang̃inig sila at lumayas, at sa bagay na ito ang mang̃a ídolos na natutuntong sa batong mármol ó sa guintó, ay nabual at lumagpac, at nadurog na lahat.

At natuá naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang mang̃a unang pang̃ung̃usap nang Niño: Jesús, na lubhang guiniguilio nang Vírgeng Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at parating pinagpapaquitaan nang loob.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings