← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

SA ICALIMANG DOMINGO.

Antonio Florentino Puansen translation

5. Sinasalita nang isang may catungculang dumalao, at magdala nang limos na sa ilang mahirap, alinsunod sa Regla ni San Vicente de Paul, na siya ay dumadalao sa isang mag asauang caauaaua, na ang anac ay lima, at ito ang naquita, at nangyaring pinatototoohanan niya. Ang ama ay may sáquit sa hospital, at ang anac na bunsô, na si Pablo ang ng̃alan, ay nahihigâ naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang cataoan ay tuyóng tuyô, at butó at balat na lamang, at cun iburol, ay ualáng hindi magsasabi na ang batá ay bangcay na mistulá: at ang dumalao na médico, ay nang̃usap nang ganito sa ina: Ang anac mo ay mamamatay na ualáng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol, sapagcat ang sáquit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot.

Nagdalamhatí at nanambitan ang ina, pagcapang̃usap nang médico; datapua biglang tumapang, at parang lumiuanag ang loob niya, at inaasahang gagaling ang batang may saquit, niyong maalaala ang devocion nang pitong arao na Domingo, na moli at moling nabasa sa isang munting libro, na hindi pa nalalaong ibinigay sa isa sa mang̃a anac niya ng̃ tauong nagsasalita nito, at tinauag na ng̃a, at pinagsabihan ang caniyang apat na anac, na totoong cailang̃an ang sila ay mag alay ng̃ isang novena, ó pagsisiam na arao sa malualhating San Josef, ng̃ gumaling ang capatid nilang si Pablo. At guinaua na nilang taimtim sa loob ang pagsisiam, at madali namang nagpaquita nang aua si San Josef, yayamang sa catapusan nang novena, lumacaslacas na, at nacacain ang batang may saquit, at gumaling tuloy sa loob nang tatlong lingo. Ito ay nangyari sa arao ng̃ Pascua nang taóng 1858, ang edad nang batâ ay limang taon, matalas ang isip at pumasoc na sa escuela.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings