← Table of contents
Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

SA ICAPITONG DOMINGO

Antonio Florentino Puansen translation

7. Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalang̃in, nang matutong pumili nang estado, ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing ning̃as nang loob ang caniyang mang̃a devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion. At bagaman ang caniyang mang̃a magulang at familia ay minamahal sa bayan, at maraming caibigang mayaman, at matataas na tauo, siya ay parating lumayò at nang̃ilag sa mang̃a pagpupulong at libang̃ang mapang̃anib, na madalas naguiguing dahilan nang capahamacan at pagcasirá nang maraming lalaqui at babaying nasisilao, at natutulig sa sandalíng pagquiquita, at agad nag iibigan, cahit ang isa ay lubhang alang̃an sa isa.

Naquilalang magaling nang bagontauong nababanguit sa salitang ito, na sa Lang̃it nangagaling ang mabuting pagsasama nang mang̃a mag asaua, at iniamó arao arao cay San Josef na siya ay pagcaloobang macaquita nang babaying may loob sa Dios, at marunong lumaban sa mang̃a tucso. Isang arao naguing cailang̃an ang siya ay maquipagquita sa isang babaying may dalaoang anac na dalaga, na paraparang mabait, at masunurin sa mang̃a utos nang Dios, at pagcaquita niya sa dalaga, ay nacaramdam ng̃ tugtog sa loob, na isa sa canila ang itinalaga nang Dios, na maguiguing asaua niya, at madaling pumayag ang ina, niyong siya ay namanhic, yayamang naquiquilala ang cabaitan niya: at nagpatotoo naman ang dalaga, na siya ay malaon nang humihing̃i sa Dios nang mabuting cacasamahin, at pagcaquita niya sa bagontauong iyon, ay naquilala na siya ang ibig nang Dios na maguing esposo niya.

Datapua lumabang masáquit ang ama, at ayao mahiualay sa anac niya, at sa caramihan nang dinadahilan, nang huag matuloy ang ninanasang pag aasaua nang isa at isa, ay minagaling nilang lahat ang mag alay nang devocion nang pitong arao na Domingo sa daquilang Patriarca San Josef, nang maquilala ang calooban nang Dios sa ganoong bagay, na minsang mayarí, ay hindi na masisirá hangan sa camatayan. Matatapus ang buan nang Mayo nang taóng 1863, niyong mulan ang devocion, at sa auá nang Dios, at sa tulong at pamamaguitan nang malualhating San Josef, ay naraos at nayarí ang matrimonio sa buan nang Agosto: at ang amang lumalaban at silang lahat, ay paraparang natuâ, at napasalamat cay Jesus, Maria, y Josef.

Iniclian co ang mang̃a pagninilay, na nababasa sa uicang castilá, sapagcat ang cahabaan nang binabasa, ó nang mang̃a panalang̃in, ay madalas na nacalilibang lamang nang loob, at maraming marami sa naquiquinig, ang ualang masabi, at ualang natatandaan, cun matapus ang pagbasa. Ang mauilihin loob at matiagâ sa pagninilay, sa paquiquinig, ó sa pagbasa, ay maquiquita sa ibang libro nang mahahabang babasahin ó dadasalin.

Isang Ama namin, isang Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. sa Pintacasi natin si San Josef, ang hinihing̃ing parang limos na nang tumagalog nitong mahal na devocion.

Bínondoc, Mièrcoles icalabin síam na arao nang Agosto nang taóng isang libo ualong daan pitong puó at apat.

Es propiedad

A. F. P.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings