← Table of contents
Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

Sa aking Bayan

Reading edition

Sa dawag ng̃ pait, noong kadiliman pinilit pinigâ sa papel makintal tanáng pag-ibig kong, di bung̃áng̃â lamang pag-giliw sa dibdib, doon bumubukal. Bagá man at kapós sa dunong ay sahól kapahatáng ito'y hindi iu-urong kahi ma't sa dugo'y piliting lumang̃oy pagsisikapan ding ipatanto ng̃ayon. Panahon naman din ng̃ pagsisiwálat ng̃ matandang sakit na sa pusong sugat. ¡Gaya ng̃ pagtakip! mapanglaw na ulap sa mg̃a bituin, anak ng̃ liwanag. ¡Ilaw ang hing̃î ko! upang matanglawan ang napatatang̃ay, sa apô-apôan at kung hindi ito ang gawing tuntunan ilagay sa limot yaong Kasarinlan. Ang alin mang bayan, ang alin mang hulô, ang alin mang pook, pag may Apô-apô ay hindi uunlad, may magandang pusô, ang santong matuid palagi ng̃ likô. Pagkathâ ko nito bumabasang giliw, hindi ko na náis ang ako'y purihin kapamanhikan ko't mataos na lambing kung babasahin mo, ikaw'y magsalamin. Dahil sa alám kong panitik ay básal kung isulat ko pa'y sumasalagalsál kaya't balang letra'y mayrong kalabûan: bahálang puntero ng̃ babasang pahám. ¡Bayan ko'y malasin! ang pagsusumakit ng̃ bawâ at pahat sa iyo'y ninibig sukdang salsal, pulpól ang aking panitik di nag-alinlang̃ang sa pula'y mabulid.

Pantaleon S. Lopez.

Calle Narciso No. 59 (Pandacan.)

Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings