← Table of contents
Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

II.

Reading edition

Ang pag-owi sa bahay ni Kadiliman.

Dumadagundong ng̃ pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at siyang dahil ng̃ ikinagulat ng̃ kanyang asawa na waring na aalinpung̃atan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad ng̃ lakad sa loob ng̃ bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hining̃a kasabay ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan ng̃ upo sa mésa at pipigilan ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay nakasubok at namamanghâ ng̃ labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong ng̃ ganito:

—¿Ano ang nangyayari sa iyo? ng̃asab ng̃ ng̃asab si Kadiliman at hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa ng̃ sabing ¡Pater Filus Patris! ang kahulugan ama, anak ko't mg̃a kapatid ang hining̃a ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay:

—¿Anong nangyayari sa iyo?

—¡Ay! ... ang mabanayad na tugon ni Kadiliman maputlang maputla.

—¿Bakit?

—Natatanto mo ang sagot ni Kadiliman si Autor. Hito'y gumawa ng̃ retrato ko sa teatro, kaya't kung aking pakiramdaman ang mg̃a mata ng̃ nag sisipanood sa akin ang ting̃in, kaya't hindi ang hindi ko sasagutin, dahil sa talos mong malapit ng̃ mag eleccion ó mag halálan para concejál, ibig kong magprisinta ng̃ candidatura. Kung paniwalaan ng̃ taong kalahatan ang pagpapaliwanag na iyan ni Hitô pehong-pehong hindi ako ang lalabas kaya't kahit pabalubaluktot mag iisip ako ng̃ paraan upang pagulapan ang mg̃a matá ng̃ mg̃a maghahalal.

—Katwá kang tawo ang pakli ni Lolay, dapat mong isipin tayo'y may labis na kaya sa kabuhayan na minana, ko sa aking amang si Pirong Botete ¿Bakit mo pá hahang̃arin ang panunungkulan?

—Ulol na tawo ito, ang pa-ang̃il na sagot ni Kadiliman, hindi iyan lamang ang mangyayari kundi mawawalan sa akin ng̃ pagkakatiwalâ ang lahat.

—¿Bakit, ang sagot ni Lolay na nang̃ang̃aligid sa dalawang mata ang luha?

—Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito ng̃ asawa niyang irog kaya't napilitang nang̃usap ng̃: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan ng̃ hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang mg̃a kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa mg̃a kaluluwang ito'y nang̃usap ng̃ malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim ng̃ lupa ganitô ang sabi ng̃ kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka ng̃ iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta ng̃ mg̃a patay bago ibaon? Hwag kang mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong mg̃a kasáma ang bagay na nasaiyo, ng̃ matapós masabi ng̃ kalulwa ang bagay na ito, napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na madaling madali at tinung̃o ang bahay nila Bakokoy,

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings