← Table of contents
Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

VIII.

Reading edition

Ng̃ hing̃an ng̃ liwanag si Kadiliman ni Giday Lasenga.

Masayang-masaya si Giday Lasengang lumalapit sa kinahihigan ni Kadiliman, taglay sa kanang kamay ang parascó ng̃ Hiniebra at sa kaliwa'y isang látigong panghampás sa kabayo't ganito ang sabi ni Giday: Lintik! Lintik! Lintik! sigaw na halos magiba ang bahay ni Kadiliman at sinabayan ito ng̃ hampas ng̃ latigo, parol anyá ang taglay ko ng̃ tayo'y magliwanag. ¿Bakit ka nang-uulol Kadiliman?

—Marahang sumagot si Kadiliman ng̃ ¡¡¡ay!!!

Nang̃ang̃apos ang hining̃a mo, ¿ha? at biglang pinilantik ng̃ látigo ni Giday.

—¡Ay Giday! ang pabuntong hining̃a ni Kadiliman, ng̃ayon lamang nagsipanaw dito ang mg̃a demonyo at mg̃a kaluluwa ng̃ mg̃a ibinabaon na nag bayad sa akin bago ilibing, at ang kalulua nang bienan kong frayle na inubos ko na ang kanyang kayamanan, tanto mo na ang aking ugali daig ko pa ang kurang tunay, dahil sa akin nagbabayad ang bawa't ilibing. Ahá nahuli din kita, ikaw palá ay nagkukurakurahan pa, ang pasigaw na lantak ni Giday Lasenga; at sinabayan ng̃ píral sa taing̃a, samantalang dinadaklot ni Giday ang ping̃ol ng̃ taing̃a ni Kadiliman sinabayan ng̃ salitang: isaulî mo ang iniambag ko pagka't kundi ipagsusuplong ko sa may kapangyarihan ang asal mong iyan; dahil na si Agong Kadiliman, ay isang taong sadyang may ugalî noon pang hindi nagkakaramdam na manghing̃î ng̃ contribución, sa kanyang mg̃a kasamahan at sinasangkalang laguî sa nais niyang ito, ang ng̃alang ng̃ Kapisanan; kaya't dinagdagan ni Giday ng̃ sabing kahabág-habág sa iyo ang taong magtiwalâ, kawâ-awâ ang Kapilipinuhan kung patatang̃ay na lagî sa gaya ng̃ iyong masamang nasa, at kahapis-hapis ang isang bayang sipután ng̃ gaya mong taksil, kaya't isaulî mo ng̃ayon din ang mg̃a nai-ambag ko; ng̃ kasalukuyang sinasalita ni Giday ang kakilakilabot na ugali ni Kadiliman ay sinasal ng̃ ubo't nang̃ing̃inig ang boong katawan na animo'y isang nádakip sa pang-uumit ng̃ masarap na pagkain, at siyang dahil ng̃ ikinabulagta ng̃ ating Kadiliman.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings