III.
Reading edition
¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang mg̃a casama!
¡Ay Bakokoy! ganito ang unang taghoy ni Kadiliman, ¡bigyan mo ako ng̃ kaunting Hiniébra! ¡hindi pa ako nag-aalmusal! si Bakokoy naman tila ng̃a ibig mahabag sa kanyang maestro ng̃ mapagmalas ang anyo, na tulad sa corderong maamo, dahil na si Bakokoy baga man hindi pipe, talagang may ugaling sacristan kahit tanto niyang likô ang gawa ng̃ kanyang maestro, amén na lamang ng̃ amén, kaya't ganito ang unang tanong ng̃ ating Bakokoy: ¿Bakit ano pong nangyari sa iyo? pag hindi ko sila hinamon ng̃ away talo ako! sapagka't si Bakokoy ay magaling daw na estocador natatalastas ninyo ang pasigaw na sabi ni Agong pinatamaan kayo, ¿hermano mayor po ba sa kandila? ang sabad ni Bakokoy sagot ako sa huli, limang piso pa ang aking contribución; hindi, ang marahang sagot ni Agong kundi noong palabas ng̃ ikalawa ng̃ Mayo ng̃ taong 1908 di umano'y mg̃a hang̃al daw kayo kaya ng̃ayon din tawagin sila Tarorang Susô, Ponsa Kaligay, at Giday Lasenga ng̃ matalos nila ang kanilang gagawin; kumaraykay naman ng̃ takbo si Bakokoy na iimbol-imbol ang tiyan pinagtatawag ang kanyang mg̃a kasama; natawá ng̃ lihim si Agong Kadiliman at sinabi sa kanyang sarili: Ako ang pinatama-an ng̃ obra ni Hitô sasabihin ko kina Bakokoy na hindi ako, kundi silang aking mg̃a kasama at sina Tarorang Susô; oo, oo, ito ng̃a ang mabuti, halos walang kalahating oras narito na ang mg̃a tinawag, lugay pa ang buhok ni Tarora at si Ponsa naman hindi na nakuha ang magtapis, at si Giday naman ay may kalasing̃ang humarap sa pulong, ganito ang unang lantak ni Kadiliman: Mg̃a kapatid: Isinasauli ko ang aking tungkol na pagka presidente ng̃ ating kapisanan, ang pamagat ng̃ kanilang kapisanan ay «Pinag-uulapan»; isinasauli ko ang aking tungkol na pagka secretario, isinasauli ko ang tungkol kong pagka Tesorero, sa makatuid ang tatlong tungkuling aking taglay isinasauli ko na dahil sa maraming naiingit; noon naman ay nakasubok si Tenteng Kamagong na isa din sa mg̃a kasapi ng̃ samahang, Pinagu-ulapan, sapól ang sikmura at nag-iihit ng̃ tawa, naling̃on-ling̃unan siya ni Lasenga, kaya't tinanong ng̃: ¿Bakit nag-iihit ka ng̃ tawa? tumugon si Tenteng Kamagong ng̃: niloloko tayo at sinabayan ng̃ kaskas ng̃ takbo pagka't alam niyang Lasengo't Lasenga ang kanyang kausap, ipinatuloy ni Kadiliman ang kanyang sermón na waring namamaos ang voces ng̃ pagsasalita; kagabi anya nanood ako ng̃ teatro; ay pinalabas doon ang buhay ninyo at hindi ang buhay ko, hindi ko na sasaysayin ang kalahatlahatan, kundi lahat na lamang ng̃ makailang̃an; kayo di umano'y pipe, bulag, kimaw, pilay at bing̃i, si Hitô anya'y kaibigan ko, kaya't hindi niya ginawa iyón para sa akin kundi udyok lamang nang mg̃a naiingit sa akin; (tumalikod ang Kadiliman natin at ng̃umitî ng̃ lihim, sinabi sa kanyang sariling: Hindi ko sasabihin sa inyong ako ang pinatatamaan ng̃ di ninyo wikaing ako ng̃a'y talagang ganoon), hinarap na naman ang mg̃a kausap at ipinatuloy ang pagsasalita kaya't ang marapat lahat ng̃ palabas na gagawin ni Hitô huag ninyong papasukin, sa á diez y seis may palabas na naman, sabihin sa ating mg̃a kapanalig na huwag pasukin; ang panabay na sagot ng̃ mg̃a kausap, lalakad na kami ng̃ maibansag sa lahat na huwag pasukin at boycotage ang gawin sa sa palabas na iyan, naghiwahiwalay na patumba-tumba ang laseng at lang̃o.