XII.
Reading edition
Nang naglulubha si Kadiliman.
Si Kadiliman ay nakahiga sa isang gulanit na banig, at halos walang makain, taglay ng̃ pagdadálitang kanyang sinasayod, mula ng̃ makaraan ang may dalawang buan ng̃ paghahalalan, na sanhi sa pag-gugugol nitó sa kanyang kandidatura ay naipagbiling lahat ang kanyang ari-arian at hindi siya ang lumabás, kaya't siyang naging mula ng̃ sakit niyang pagka hibang at pinaglalaruang palagi siya ng̃ mg̃a demonyo at kalulwa ayon sa kanyang panaginip, pagka't nililibon-libon sa lagnat, si Lolay na kanyang asawa ay nakapang̃alumbaba sa palababahan ng̃ bintana at binabantayan ang kahapis-hapis na may sakít.
Nang nag-aagaw gising sa pagtulog si Kadiliman ay nanaginip na siya'y linapitan ng̃ Kaluluwa ng̃ isang Frayleng may taglay na lubid na kabo-negro, at nagsalita ng̃: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! magsisi ka na ng̃ iyong mg̃a kasalanan, ako ang biyenan mong iyong ipinang̃ang̃alandakan ng̃ sama, kaya't ang mamanahin mo na lamang ay ang aking solar at bahay, huwag na ang aking kasamaan; tinatalian sa paa si Kadiliman ng̃ kabo-negro, samantalang sinasabi ang salitang ito; sumagot si Kadiliman ng̃ binabatak ang hining̃a, nagsisisi na po ako Papá, lumayo ka na lamang sa akin at siyang paglapit ng̃ mg̃a kalulwa ni Rizal, Burgos at Zamora, taglay ang tig-isang ilaw, lumapit sa kanang dako ng̃ kinahihiligan ni Kadiliman, ayon sa kanyang panaginip at nang̃agsabing: ¿Hindi ba iniwan namin sa Pilipinas ang iba't ibang tanglaw upang pagliwanagan ang napadadalá pa sa ulap ng̃kasamaan? ¿Bakit ipinaghahanap buhay mong palagi ang aming ng̃alan? magsisi ka at malapit ng̃ pumanaw ang buhay mo Kadiliman; siyang pagdating ng̃ tatlong demonyong naglalakihan ang sung̃ay na may mg̃a taglay na sibát at inaasintá ang puso ni Kadiliman, saka nang̃agsalita ng̃ ... sapagka't masamang budhî ka sa iyong mg̃a kababayan at madalas mong ululin, ang puso mo ang aming sisibatín, inakmaan ng̃ sibát, hindi pa halos umaabót sa dibdib ni Kadiliman ang saksak ay napasigaw ng̃: patawarin ninyo ako't di ko nalalaman ang aking ginawa; siyang pagkagising ni Kadiliman at huming̃î ng̃ tubig sa asawang nalulunos, kumuha kapagdaka si Lolay at pinainom ang kaawa-awang maysakit, ng̃ matapos makainom, tinanong ni Lolay ng̃: ¿Anong nangyayari sa iyo't ga ikaw ay naghihinagpós?—¡Oh asawa ko! ang naitugon, kakila-kilabot na bung̃ang tulog ang sa aki'y dumalaw, panaginip na nagbigay gambala sa ating sinasaad ng̃ayong pagdaralita.—Salitin mo sa akin, asawa ko, ang palambing na usisa ni Lolay.—Ayon sa aking panagimpan, ang pasimulang pagsasalita ni Kadiliman, ako'y dinalaw ng̃ mg̃a kalulwa nila Burgos, Zamora at Rizal at ako'y pinang̃aralan at ganitó ang pang̃aral na sa akin ay sinabi: ¿Bakit mo tinatakpan ang matá ng̃ ating mg̃a kababayan, ng̃ ikaw lamang ay maluklok sa trono ng̃ panunungkol? ¿Hindi ba nang̃ang̃alisag ang iyong mg̃a balahibo, na sa tatlong daang taong mahigit, na pinagharian ng̃ kadiliman ang ating bayan, na siyang dahil ng̃ pagkakalupasáy sa hirap ng̃ mg̃a bálo't ulila ng̃ dahil sa kanya'y pag-ibig, at ng̃ayo'y siya mo pang uululin? ¡Ay asawa ko! ang pabuntong hini~ngang sabi ni Kadiliman, samantálang ito'y itinatanong sa akin ng̃ mg̃a kalulwa ay tinatalian ang aking mg̃a paa't kamay, at siyang pagdatal ng̃ mg̃a demonyo na buhat yata sa Infierno at ako'y kinakalawit at pinapandilat ang mg̃a matá nabinubukalán ng̃ mistulang apoy, at gayari ang sa akin na ipinagturing: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! sasama ka sa amin ng̃ayon din, sapagka't ang kalulwa mo'y na sa amin ng̃ kaharian, dahil sa sala mong magsisisúnod: Una. ikaw ang nang̃akong kukunin mo ang independencia pag ikaw ang naging punô; ikalawa, madalas kang bumili ng̃ botos, ito'y nalalaban sa kautusan ng̃ Diyos at kautusan ng̃ tawo; ikatlo, ikaw ang nangagahis sa layâ ng̃ tawo, ikaapat at huli, ikaw ang nagnanais na kung ikaw ang naluluk-lok sa panungkol, daragdagan mo pa ng̃ lalong hirap ang iyong kababayan, kaya't ang kahariang ito'y hinatulan ka ng̃ kahit ang katawan mo'y buhay, dapat ang kalulwa mo'y kunin namin at dalhin sa bayang Infierno, kilanlin mo: LUCIPER HARI SA INFIERNO, matapos na sa aki'y masabi ang mg̃a kahatulang ito, kinalawit ako ng̃ dalawa at sasaksakin ni Luciper naman ang aking puso, dahil sa siya daw ay may kabulukan, ako'y napasigaw ng̃ ... patawarin ninyo ako't hindi ko nalalaman ang aking ginawa, siya kong pagkagising; kaya asawa ko, yayamang wala na din lamang akong sukat ikaguinhawa dito sa lupa at doon man sa lang̃it, ako sa iyo'y nagpapaalam, niyakap ni Kadiliman si Lolay at sakâ sinungaban ang sundang na nasa kanyang lapit, at saka nagsalita: Ang kalulwa ko'y nasa infierno na, ang katawan ko'y nandito pa sa lupa; ng̃uni't naubos na ang aking mang̃a kaibigan mulâ ng̃ ako'y maghirap, ¡mabuti! ¡¡¡magpatiwakal!!! umakmang sasaksakin ang kanyang dibdib, napasigaw si Lolay ng̃: ¡Asáwa ko! at pinigilan ang kamay na may sungdang, hwag ka anyang gumawa ng̃ ganyan dahil sa walang ibang gumawa niyan kungdî si Judas lamang, na nagtakal kay Cristo sa halagang tatlong pung..... salapi kaya't walâ kang mabuting gawin, yamang nakilala mo na ang hari sa infierno at ang gawa ni Judas, dapat layuan ang mg̃a bagay na iyong ninanasa, dahil sa ito'y hindi mabuti; at walang mainam gawin tayo kundi ang magtrabajo, magpapatak ng̃ pawis, umibig ng̃ tunay na pag-ibig sa bayan kinamulatan, yayamang ang bing̃ing kaliwanagan na ibininhî ng̃ mg̃a mártir sa sarili, ay siyang mapang̃ang̃atigang tanglaw na maliwanag, upang tumung̃o sa landas ng̃ ligaya. Mulâ sa ng̃ayon, asawa ko, ito ang aking gagawin, ang pakli ni Kadiliman.—Kung gayon, ay tayo na ang sagót ni Lolay, paalam sa inyo bumabasang guiliw.
