VI.
Reading edition
Ng̃ si Kadiliman ay nahihiga dahil sa sakit na taglay.
Payat na payat si Kadiliman dahil sa siya'y nagkaroon ng̃ sakit magmula ng̃ mapagkaalaman ang kabulukan ng̃ kanyang pusô, hindi napagkakatulog ang kahabag-habag dahil sa ubo, kaya't ang palaging tag̃urî niya ay ganito: ¡Ay! sasasalin ng̃ ubo; ubo, ubo, ub ... ¡ay! pag hindi ako ang naging Consejal mabuti pang ako'y namamatay na, sasasalin na naman ng̃ ubo; ubo, ubo ... ub ... mananaghoy na naman ng̃ ... bulok na ang aking puso sa kinakakain ng̃ hindi ko dugo, ¡mg̃a ingitero! ang pang̃após na buntong hining̃a kung hindi ninyo sinulsulan pehong pehong ako ang Consejal; ng̃ayon hindi ko maalaman ang mangyayari; hindi pa halos natatapos ang mg̃a salitang ito ay siyang pagdating nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na nagpapanang̃isan, niyakap ni Bakokoy si Kadiliman at ganitó ang wika: kahabag-habag ka Kadiliman, hindi ikaw ang lumabás na Consejal naháhalata na pala ng̃ tanan, na inuulol mo kami; hagulgulang umaatikabo ng̃ iyák ang tatlo nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô, ng̃ marinig ni Kadiliman ang pananambitan ng̃ kanyang mg̃a inuulol, nagning̃as ang matá na waring nanunulig, sinasal ng̃ sunodsunod na ubo; ubo ... ubo ... ubo ... ub ... biglang napahiga at nawalan ng̃ diwa na waring naghimatay; sigaw doon sigaw dito ang mg̃a kampon niya, asawa't mg̃a anak, walang isinisigaw kundi: ilaw, ilaw, ilaw upang magliwanag.