X.
Reading edition
Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy.
Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy.—Mahal na Kamagong binabati kita ng̃ boong galang, tumung̃o si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tung̃o ng̃ kompare ko?—Sa bahay ng̃ ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng—Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy—Bubulung̃an kita kompare; ang batikos ni Tenteng.
—Ikaw ang bahala, ang paagaw na sabad ni Bakokoy, binatak ng̃ banayad ni Tenteng si Bakokoy at saka binulung̃an ng̃ wikang:—Masama ang pakiramdam ko sa ating Apô-Apông si Kadiliman ginagawâ tayong sangkalan ng̃ kanyang pagka talipandás, ng̃ maantilo ni Bakokoy ang salitang ito ni Tenteng, nagalit si Bakokoy, at pagalit na itinanong kay Tenteng kung matutunayan ang gayon; tinanong pa ng̃: ¿Patotohánan mo ang iyong sinasabi? na pinag surot-surot ni Bakokoy sa mukha ni Tenteng.—Oh, tingnan na ng̃a lamang ang asal ng̃ Bakokoy na itó ang pailág na wika ni Kamagong at sinundan ng̃ salitang: Bago ka magagalit, makapito kang iisip; bago ka matutuá, liling̃on ka muna sa kana't kaliwâ. at bago ka magkakatiwala tuming̃ala ka muna sa lang̃it, ling̃onin mo ang iyong tinalikdan, malasin mo ang iyong hinaharap at tumung̃ó ka sa lupa't ng̃ hindi ka magsisi sa huli.—Hindi ko maintindihan ang sinabi mo ang paismíd na sabi ni Bakokoy—Tuligsain mo ang lantak ni Kamagong: Ng̃ panahon ng̃ tinalikdang kastila ang Frayle ang hari-harian at mg̃a fiscalillo ang Apó-Apó.—Bien: ang batikos ni Bakokoy, nagulat si Tenteng Kamagong na nasabi tuloy na: Ahá ¿Biglá mo akong kinastila, há? Hindi kailâ sa iyo ang nangyari na siyang ikinalupasay sa hapis ng̃ ating inang Filipinas.—Bravo, ang pabiglá namang sabad ni Bakokoy, mulî na namang nagulat si Kamagong at sinabi sa kabiglaanan: ¿Lumálalâ ka? ng̃ayon tatanong̃in kita ¿nasa katuiran ba ang mg̃a iyan? wala, mangyari mg̃a romano ang sagot ni Bakokoy, biglang inagaw ni Tenteng Kamagong ang salitang ito—Hwag natin anyang, dalhin sa Roma, ang salitaan ani Kamagong, at tayo'y nandito sa Filipinas, ang ating pinag uusapan sa mg̃a oras na ito'y ang tungkulin ng̃ mamamáyang tawo dito sa Filipinas, sinasabi ng̃ kautusan ng̃ Diyos; piliin ang bawa't maibigan; sinasabi naman ng̃ Bill, kautusan sa Filipinas: Ang bawa't tawo'y may láyang gumawa ng̃ kanyang maiisipan, kaya't ang aking masasabi'y ganito: Natanto nating masama ang gawá ng̃ Frayle, masama din naman ang gawa ng̃ fiscalillo ng̃ panahong iyon, ¿natatalastas mo kung bakit? sa dahilang ang fiscalillong iyan ay amén ng̃ amén sa kanyang Apô-Apô; gaya din naman ng̃ pag amén mo sa ating Apô-Apô na si Kadiliman, na kapag sinabi sa iyo itatayo niya ang torre ni Babel ng̃ walang kilatis, dudukutin mona ang iyong pesetas para maiambag, kapag sinabi sa iyong igagagapák niya sa loob ng̃ tatlong araw ang templo ng̃ Jerusalem dudukutin mo na ang iyong kahati't walo't ibibigay kaagad, halos iyong inaagaw sa bibig ng̃ asawa mo't anak nang walang kinaoowian. ¿Sino ng̃ayon sa inyó ni Kadiliman ang may sála? Tila ako ang sagót ni Bakokoy.—Hindi lamang tila, kundi ikaw na ng̃a; sa dahilang kung walang consentidor walang magnanakaw, ito ang kasabihan ng̃ mg̃a matatanda, hindi ko salita ito, ang pabalík na wika ni Kamagong. Gayon din naman pag winika sa iyo pumilma ka, pipilma kaagad, pag sinabi sa iyong makipag-away, makipag-away ka naman, samantalang ikaw ay may sariling kalayaan. ¿Ang boto ba ng̃ isang mámamayang tawo'y gaanong halaga?—Halagang isang copang sorbetes,—Ah, gungong, iyang pagka Bakokoy mo na malapit-lapit kang maging bakoko, pang-ulam sa mahal na araw; piniral ni Kamagong sa taing̃a't sinabing dingin mo itong sasabihin: ¿Iniibig mo ba ang iyong bayan?—Hangang huling tibok ng̃ aking hining̃a, ang tugón ni Bakokoy na waring nagmamalaki.—Kung iniibig mong gaya ng̃ iyong sabi, ani Tenteng, palilinawan kitá. Ang halaga ng̃ isang botos ng̃ mamamáyang tawo, kahalaga ng̃ inang bayan, sapagka't kung makaladkad ang boto mo ng̃ isang basong sorbetes at tatlong tanghalian na gaya ng̃ ugali ni Kadiliman, hindi ikaw ang papatain niyan kundi ang bayang sangkalan, na nalulugami sa madlang hirap; kaya muli't mulî ang bilin ko sa iyo na bago ka boboto titingnan mo ang ugali ng̃ iyong iboboto, ang mg̃a gawâ nito, ang mg̃a ginawâ nito at kung mangyayari, pati pa nang gagawin niyan kailang̃an mong pag-aralan bago ka bumoto:—Bayaan mo kompare at ganyan ang aking gagawin, ang pakli ni Bakokoy.—Kung gayon kompare tayo na, magpatuloy sa piging ni Kadiliman, tayo na ang sagot ni Kamagong at ng̃ maini-init pa ang litsón na ating madatnan, lumakad ang dalawa na nagng̃ing̃isng̃isan.