VII.
Reading edition
Ng̃ Pagsaulan na ng̃ hining̃a si Kadiliman.
Si Kadiliman; ay nakahimpil sa isang sulok ng̃ kanyang bahay at na tatanikalaan, dahil sa nananakit, pagka't na wala sa lugal ang tornillo ng̃ isip, sa makatwid ay na ulól, sa mg̃a oras na ito'y pinaglalaroan ng̃ mg̃a demonio, ang sabi ni Lucifer na hari sa infierno'y ganito: ¡Kadiliman! magbawa ka na ng̃ iyong ugali; sa tuina't ibubulong ito ni Lucifer sa kay Kadiliman; kinakagát ni Kadiliman ang tanikalang nakatali sa paa't kamay, bubulung̃ang naman ng̃ isang kalulua't ganito ang sasabihin: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! huag mong sisirain ang ibinayad ko ng̃ ako'y bago ilibing; sa dahilang ang Kadiliman nating ito, ay may ugaling suming̃il sa kanyang mg̃a kasapi bago ipalibing kung sakaling mamatay. Samantalang si Kadiliman ay pinaghihilahanan at binubulung̃an ng̃ mg̃a demonio't kalulwa; ay nanduduling ang dalawang mata't ibig mang̃agat, pasag doon paság dito na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: ng̃ayo't ako'y nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulung̃an naman ng̃ kalulwa ng̃ isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman; ¡mal agradecido! ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan? ¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? ¡Mal agradecido! sapagka't si Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang kalulwa, dahil sa mg̃a kayamanang yaon na pinakikinabang̃an ni Kadiliman, ng̃uni't si Kadiliman ay madalás magalit sa frayle noong hindi pa nau-ulol, at talaga ng̃a namang masama ang mg̃a ginawa ng̃ frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla. ¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman? Itó naman ang tanong ng̃ ating Lucifer—Ang frayle pala'y masama kaya't huag mong tularan ang gawa niyang pamimilipit ng̃ bulsa ng̃ iyong kababayan, at ang guinawa nila sa atin noong una, gaya ng̃ guinawa mo kahapon sa kaibigan mong ikaw ay igalang ng̃ boong mundo, nanakál ka ng̃ mahihina, sinangkalan mo ang iyong bayan; kung ibig mong maligo, «ikaw ang mag handa ng̃ iyong gugô,» samantalang ibinubulong ng̃ Demonyo kay Kadiliman ang mg̃a salitang ito, nana-nalas ang matá ni Kadiliman na animo'y pusang bagong pang̃anak, kaya't sumigaw ng̃ ubos lakas na: Lumayô na lamang kayó sa harap ko babagohin ko na ang pang̃it kong pag-uugali, nag-inugong na biglang biglá, siyang naging dahil ng̃ panu-numbalik ng̃ isip ni Kadiliman na parang naalinpung̃atan.