← Table of contents
Sa Tabi ng Bangin

Dulaang Makata

Reading edition

Unang pagtatanghal ng Dulang tatlong yugto, ng kilalang Makatang Ernesto del Rio at pinamagatang

SA TABI NG BANG̃IN

¡DALUHAN! ¡PANOORIN ANG MAINAM NA DULANG ITO!

Hapon ng lingo noon.

Sa magandang lang̃it ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing baga ó nakadudungis.

Si Ernesto, ay tinung̃o ang bahay ni D. Armando, na ng mamasdan sa mukha ng dumating ay biglang nagsabi na:

—Ernesto, anong saya mo ngayon.

—Oo nga, pagka't ... nguni't, hindi, hindi ko tuturan hangang di mo ipangako sa akin na ako'y di hihiyain.—ang tugon ni Ernesto.

—Sa ano yaon?

—Di mo ako hiihiyaín?

—Hindi.

—Kung gayon, mamayang gabí, ay itatanghal sa "Tanghalang Makata" ang isang bago kong dula na ang pamagat ay SA TABI NG̃ BANG̃IN.

—Bagong dula mo na naman?

—Oo, at iya'y ika limangpuo't lima na:

—Wala kang pagod na tao!

—Paparoon ka?

—Oo, asahan mo.

—Kung gayon ay naito ang Palco presidencial. Ibig kong ikao ang mang̃ulo sa aking palabas.

—Napaka labis naman yata iyan.

—Labis? kulang pa ang sabihin mo sa isang gaya mong bagong Mecenas.

—Salamat sa papuri mong iyan, Ernesto, at inaasahan ko na, ng̃ayon pa, ang tagumpay mo mamaya.

—Tunay, at sa dulang iyan ay inaasahan kong lalong lalaki ang aking ng̃alan sa malawak na larang̃anan ng panunulat.

—Gayon din ang haka ko.

—Siya, hangang ika 8:12: isama mo ang iyong asawa.

—Oo. Hwag kang mabahala.

At noon din ay nagkamayan sila, at pagkatapos ay yumaon na si Ernesto.

Si D. Armando naman ay ibinalita kaagad kay Magdalena ang anyayaya ni Ernesto, at noon din ay sinimulan ang paglalabas ng damit niyang gagamitin sa Dulaan.

Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings