← Table of contents
Sa Tabi ng Bangin

II.

Reading edition

Ang mag-asawa ni D. Armando

Bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong tuturan sa mga nanasà, kung sino si D. Armando at si Magdalena.

Si Dn. Armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting "mana". Palibhasa't siya'y mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay kalakalan ng kaniyang ama. Kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa 45.

Si Magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni D. Armando; siya ay magandang lubha at masasabi ngang sa Bayan ng M. ay walang mangunguna. Sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag ibig. Datapwa't sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! Ang gulang niya'y 26 ó 27 na.

Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings