← Table of contents
Sa Tabi ng Bangin

VIII.

Reading edition

Pagtatapat.

—Kaibigang Ernesto,—ang salubong sa kaniya ni D. Armando ng siya'y makita.—Ang dula mo'y mainam, dinaramdam ko lamang na hindi nakita ang lahat dahil sa paghihimatay ni Magdalena.

—Dinaramdam ko din,—ang tugon ni Ernesto, datapwa't kinakailangan mong matanto ang isang lihim na napapaloob sa katha kong hinahangaan mo.

—Tantoin mo kaibigan—ang patuloy ni Ernesto—na sanhi sa kalamigan mo sa pag ibig, ang paningin ng iyong asawa ay ipinako sa akin.

—Gayon pala! Tampalasan,—ang tinurang bigla ni D. Armando at dadaluhungin na sana si Magdalena, datapwa't napigilang agad ni Ernesto at pinagsabihan ng̃:

—Maghintay ka muna,—at saka itinuloy ang pagsusulit ng;

—Datapwa't sapagka't tanto ko na kung iyon ay aking bayaan ay lalabagin ko ang ating pagkakaibigan, ay ginawa ko ang Dramang itinanghal ng gabing ito ng upang makapagbalik loob ang asawa mong namali sa daan ng katahimikan.

—At di ka namali, Ernesto ... ang tugon ni Magdalenang ka agad na lumuhod sa harap ni D. Armando na umi-iyak,—ako'y iyong patawarin.

—Magdalena, pagtindig, at kita'y pinatatawad—ang sulit ni D. Armando.—At ikaw Ernesto, ang ginawa mong ito'y pinatunayan ang iyong mabuti at tapat na pakikisama, hinahandugan kita ng walang hangang pasasalamat, at makaaasa ka sa kapalagayang matalik na kaibigan. Buhat ngayon, ikaw ay aking kapatid.

At ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay napagisa ang mga damdamin at puso.

Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings