← Table of contents
Sa Tabi ng Bangin

IV.

Reading edition

Pag aalinlangan

Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni D. Armando.

Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang "Ang Ilaw."

Umulik-ulik ang kaniyang pag-iisip na tulad ng dahon ng kahoy na linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang-windang bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng dalawang balikat.

At ang gayo'y, waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na pag-iisip niyang hinahang̃aan, pagka't bahagya pa lamang na nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni "Morfeo."

Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Decorative motif
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings