← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

SA SIPI SA TATLONG LIHAM NA TINANGAP NG MAY AKDA

Reading edition

Upang maguing sandalan ng̃ kahinaan ng̃ may akdà nitong "Hindi Biro! ó ANG ANTING-ANTING" ay salung̃át man sa kaniyang katutubong damdamin ay minarapat na isalin dito ang bahagui ng̃ tatlong liham na tinangap nia ukol sa ikawawasto ng̃ akdang ito.

—Kay G. Gregorio Orda, Abogado, taga Atimonan, Tayabas na may petsa 12 ng̃ Enero ng̃ 1911.

"Nabasa ko ang magandang akdà mo at sa pagbasa ko'y nagkamit ako ng̃ maligayang sandali at katuaang naka pagpaalaala sa akin sa namatay na matandang Pule (Apolinario Monteseña) baga ma't ito'y hindi tulisan, na ito lamang ang ipinagkaiba, at sa bagay na ito'y binabati kita at pinupuri ko ang akdà mo, na samantalang nakatutwa ay nakapag papaayos ng̃ mg̃a kauagalian, sapagka't nag aanyaya sa pag gawa at nagpapatakuil ng̃ mg̃a kagagawan."

"Ipahintulot mo na maipalathala ko sa linguhang naming "LAONG LAAN" dine sa Tayabas, upang maguing mabuting aral sa kinauukulang sinoman."

—Sulat ni G. M Quiogue, Socialista at Kalihim ng̃ paggawa ng̃ tabaco't cigarrillong "KATUUSAN" na may petsa 8 ng̃ Enero ng̃ 1911.

"Nag papasalamat po ako sa ng̃alang ng̃ Samahan sa katang̃iang guinawa ninio sa pagawaang itong ganap na pilipino."

"Sa boong muni at pag lilimi ay binasa ko ang munti niniong aklat at isinaalangalang ang basal pang katayuan ng̃ panitikan nating tagalog, ay ang akdà ninio'y nakakapara ng̃ "mumunti datapua't malaking aklat" ng̃ mg̃a Europeo, dahilan sa pagay niang lubos na makabago at mapagturo, upang sa karaniwan ng̃ ating mg̃a kababayan ay maparam ang sinsay na paghahakà."

"Naibalita ko po at ipinabasa sa mg̃a manggagawa ay nais nilang matanto kung saang mga aklatan na nabibili, at kung magkano ang bawa't isa."

—Kay G. F. Pantua, makabayan, Kalihim ng̃ Samahang "MAKILING" sa isang pulong na idinaos ng̃ Samahang ito na may petsa 31 ng̃ Diciembre ng̃ taong 1910.

"Binasa ng̃ Kalihim ang liham ni G. José R. Francia na may petsa 26 ng̃ kasalukuyan, na dito'y ibinabalita nia ang nais niang ipalathala ang kalakal ng̃ Samahan, na walang bayad na anoman maliban sa makatulong sa ikalalaganap nito, at nagpadalá ng̃ mg̃a salin. Sa maunawa ng̃ kapulung̃an, sa mungkahi ni G. Arieta (anak) ay pinagkaisahan na di lamang itinutulot kundi pinasasalamatan at kinikilala ang katang̃ian ng̃ gawang ito sa ng̃alang ng̃ boong Samahan."

ANG UMAKDA.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings