← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

IX

Reading edition

Nakalipas ang ilang buwan.

Minsang gabi tinipon ni Matandang Tacio ang mg̃a kantores.

—Saan tayo paroroon po?—ang tanong ng̃ Maestro kantor.

—Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás.

—At sino pô ang namatay?

—Ang anak ko sa biniag.

—Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan ng̃ insik at bibili ng̃ magagawang bisté, at baka di mayari.

—Sia ng̃a pô; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.

At nagsiparoon nang̃ang sabaysabay ang mg̃a cantores, samantala'y may isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'y pauang insik na lamang ang may tinda at ang mg̃a taga doo'y pauang mamimilí at mang̃ung̃utang̃an na lamang sa mg̃a iyon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dumating ang mg̃a kantores sa bunsuran ng̃ hagdanan ng̃ Kulas. Ang ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinung̃aw sila at pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka't, doo'y may dalaga. Nang nang̃auupô na'y ang maestro kantor ay huming̃uing tulot na makalapit sa dambana, nag sindí ng̃ kandila at pagkuwan ay nagsiluhod na't nagsimula ng̃ isang Rosario Cantada. Lubhang napamanghâ ang may bahay at di nakatiis si Matandang Akang na noo'y paris din ng̃ dating hapong nakakainom ng̃ dalawang tagay, kaya ng̃a ang mg̃a mata'y kukurapkurap at ng̃amol ang pang̃ung̃usap ay nagsabi:

—Ano ba't kayo'y nagdadasal dito?

—Aba!... Kami po'y pinaparito ni Matandang Tacio, at ipagdasal daw namin ang inyong apong si Julio na kania namang anak sa binyag; kaya po ...

—Ah!... Kayo'y mg̃a wala ng̃ kinahahapang̃an kundi ang kung sino ang mamatay, palibhasa't ... kayo'y kantores kulitis.

—Huag po kayong magkagalit at hindi po kayo ... kami ang may kasalanan.

—Hindi; Kaya ng̃ huag tayong magkaligalig ay kayo'y umalis na dito.

At ang mg̃a kantores ay di nang̃a nagulit at noon din ay umalis, tuloy hinanap ang matandang sa kanila'y nag buyó sa gaiong kahihian. Sabihin ang galit ng̃ maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang makagantí.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dumating sila doon at napatawo sa bahay ng̃a ng̃ matandang Tacio. Sinung̃aw ng̃ asawa at pinapanhik.

—Juan!... ang pagdaka'y tawag ng̃ Matanda—ipasok mo dito yaang mansanilia—Ako yata'y nabalis ng̃a taga Lumay na kausap ko dito kanikaniná—kaya ganito na ang sakit ng̃ aking tian; at nagsubsób nang mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at hinihilot naman ng̃ asawa ang tian ng̃ matanda.

—Baka pô nasing̃awan lamang ng̃ lupà ang ulit ng̃ Maestro kantor.

—Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang bato!... anang matanda....

Ang isa sa mg̃a kasama ay pagkadinig ng̃ wikang "balis" ay nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y inanyayahan sila ni Juan Hanipol ng̃ hitso't sigarilió.

Ilang sandalî ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.

—Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis na—ang ulit na sabi ng̃ Maestro kantor sa asawa ng̃ matanda—sabihin mo pô sa kania na kami ay sukó na.

—Bakit naman?

—Sapagka't pô nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.

Kaya ng̃a tumpak na tumpak ng̃a, sa atin ang sinabi ng̃ Director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat ng̃ isang kasama, na,

Ang tawo'y di ng̃a sukat magsasabi ng̃ tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka't kung ganito ng̃a ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili.

At nagsipagpaalam na ang lahat. Ang magasawa naman ni matandang Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw ng̃ pagtatawanan, dahil sa mg̃a nangyaring yaon.

Kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang mg̃a nangyari; pulutin at itanim ang mg̃a binhi ng̃ katwiran upang sa araw na kailang̃an natin ay salo salo tayong magani ng̃ masarap na bung̃a ng̃ kaguinhawahang inilaan sa atin ng̃ sa atin ay Kumapal.

At hangan sa muli po tayong magkita at sandaling magkaulayao paris ng̃aion,—Marami pong salamat sa inyo at ipagpaumanhin ang kulang nito at ng̃ susunod, na pakahuhusayin upang panibagong mai handog sa inio.

STANGL PRESS Tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng Revista, Nobela, Alegato, Membrete, Tarjeta, at iba't iba pa. Sa halagang mura at madali ang pagkayari. Dumalaw kayo rito sa aming pagawaan. 641 Sales, Santa Cruz, Maynila.
STANGL PRESS Tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng Revista, Nobela, Alegato, Membrete, Tarjeta, at iba't iba pa. Sa halagang mura at madali ang pagkayari. Dumalaw kayo rito sa aming pagawaan. 641 Sales, Santa Cruz, Maynila.
La Moderna Plateria y Relojeria.
La Moderna Plateria y Relojeria.
Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings