← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

II

Reading edition

Lumipas ang ilang araw.

Minsang gabí, pagkatapus makapagluto si Juan ng̃ kanilang hapunan ay tinawag ng̃ matanda at pinagsabihan.

—Ng̃ayon ay huwag káng kakain ng̃ hapunan, at hindi pa tumutugtog ang "animas" ay pumaroon ka na sa bakuran. Pag patók ng̃ kampanà ay sabay kang mag tatakbó at yumapós ka sa punò ng̃ kamatsileng maalitatáp; at ikinatnig ang punong yaon; kumagat káng makakaha ng̃ pitóng tilád ng̃ balát bago matapos ang tugtóg, balutin mong magaling sa isang bagong paniong putî at saka mag tatakbóng walang ling̃on hangan dito. Huwag káng paabot sa huling patók ng̃ kampanà, sapagka't may mangyayari!

—Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan.

—Kapag inabot ka ng̃ katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ...

—Bakit po?

—Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na sasakalin ka't ipaghahaguisan ng̃ lubhang matayog hangang sa di ka mamatáy.

Si Jua'y hindî nagsalitâ, ng̃uni't di naman munti man na takot sa mg̃a hulíng sinabi ng̃ matandâ. Binuó nia ang kaniang loob at lumaang gawin ang mg̃a iniatas ng̃ matanda masunód lamang matamó ang kaniang pita.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings