← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

IV

Reading edition

Dumatíng si Juan kay Matandang Tacio at sinabi niang sia’y pinagtawanan ng̃ lahat.

—Ganoong ng̃a. Ito’y bago-bago ka pa! Huwag niong alumanahin ang anoman; sa magalit sila’t sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong utos ko sa iyo!... Papaano ba ang oracion mo?-–ang dugtong ng̃ matanda.

Dalakong tikoy at balatong tunkos mungos talagang ubos.—ang

ulit ni Juan.

—Ah! tingnan mo, di mali ka!... Pagkaba nag kuláng ka ng̃ iisa man lamang letra eh!... di ... Sirâ ka na.

—Hindi po ba ganoon ang turo mo?

—Hindi;—Sinabi ko na ng̃a't tila hindi ka maari, at sa unang lision lamang ay hindi ka naka lampás ... Bueno! mag pahing̃a;—at sa ulî ay iba naman ang gagawin natin.

At nag si pamahing̃a na ng̃a silâ, palibhasa't malalim na ang gabí; ng̃uni't pinagbilinan muna.

—Sa Viernes, humanda ka Juan at kita'y susubuan ng̃ isang Anting na mabuti sa iyo..... Maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at ... bahala na.

—Opô, opô; ang tugon ng̃ kausap.

Patuloy ang panunuyo ni Juan sa mag asawa ni matandang Tacio.

Dumating ang Viernes. Madilim-dilim pa'y na ligô na ng̃a si Juan, at pagkawi sa bahay ay nag lutô, nag haien, kumaen sila sampon ng̃ mag asawa. Kaguinsaguinsa'y isang babae ang na pa tawo sa hagdanan.

—Anó Angue?... at na parito ka?

—Dahil pô kay Ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo.

—Oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh ...!

—Ibig kó pong ipagamot sa iyo.

—At anó bang sinasakít?

—Walá pô;

—Walá palá'y bakit?

—Meroon pô;

—Na ano yoon?

—Hindi ko ng̃a po maalaman.

—Baka pasmá?

—Baka ng̃a po yoon ang pasma tabardillo.

—Hindi ka maalam mag salita! "Asno Tamardillo", ang tawag sa sakit na yoon baga ma't hindi ko pa nakikita.

—Ah!... asno tamardillo ... asno tamardillo ...!

—Oo pabayaan mo't ako'y mapapadaan ng̃aion sa inio at kami ni Juan ay pasasaanihan. At ang babae'y namaalam na.

Gumayak na madalì ang dalawa ni Juan at ni Matandang Tacio, at halos ay inabutan pa ng̃a nila ang tumawag na si Angue. Nanhik silang panabay at dinatnan ng̃a namang si Ambo'y gugulong gulong sa sahig na anhin ang batang sangol. Pinulsuhan ng̃ matanda at iiling-iling na nagsabí.

Oh!—Di sinabi ko ng̃a. Di tama ng̃a Angue ..."Asno Tamardillo" ng̃a itong asawa mo! Ha! Ha ha ... ha!—ang patawa ng̃ mangagamot.

—Hindi ba masakit ang ulo mo?—ang tuloy na tanong sa may sakit.

—Masakit ng̃a pô.

—Ang tian, hindi ba parang walang laman?

—Ganoon ng̃a po.

—Di ba ang ibig mo'y kain ng̃ kain ay ... wala ka namang ...?

—Sia ng̃a po.

—Di ba ang ibig mo'y laging uminom ay?...

—Tila ng̃a po.

—Di ba para kang hilo, walang maisipang gawin?

—Sia ng̃a po!

—Ano!—ang badling na sabi kay Angue—di asno tamardillo ng̃a ... sinapantahâ ko na ng̃a. Ano bang gawâgawâ ng̃aion ng̃ mg̃a tawo dito sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, ng̃ usap.

Ah! marami po ng̃aion ang anihin at nagkakalutlot ang palay.

—Ay sino sa inio ang nang̃ang̃anihan?

—Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di ng̃a po makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong....

—Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá?—ang pasaring ng̃ kausap.

—Sia ng̃a po;—ang tugon na lamang ng̃ mabait na si Angue na ikinakanlong ang ugali ng̃ asawa nia—Ay ano po kayang mabuti?—ang patuloy na tanong nia.

Ang matanda'y hindi nakasagot kaagad palibhasa'y inisip nia, na kung itóng aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay kinatatamaran pa, ay ano pa ng̃a kaya't di katamarán ang gawang mag bukid, at mag bugtá ng̃ lupâ na lalong mahirap kay sa umani, palibhasa'y nang̃ang̃ailang̃an ng̃ pagod, isipan at puhunan, ang pag bubukid na siang kauna-unahang batis ng̃ ikinabubuhay ng̃ mg̃a tawo at ng̃ alin mang Bansa.

—Ay ano pong mabuti kay Ambo?—ang ulit na tanong ni Angue.

Kung makakabang̃on at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni Juan.

—Opô ...anó, Ambo; sasama ka?—ang badling ng̃ Angue sa kaniang may sakit, daw, na asawa.

—Kung ako'y gagamutin mo pô ay bakít ako ipagsasama—ang tanong naman ng̃ may sakit na talagang ayaw bumang̃on.

—Kailang̃an sumama ka; at ng̃ pagtulò ng̃ gamot na ihahaplas ko sa batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ... Sumama ka't ng̃ ikaw ay madáling gumaling at ng̃ umabot ka ng̃ anihin, sayang ang palay at mapapásalupa lamang ay hindi mapakinabang̃an, tutukain lamang ng̃ mg̃a ibong kung saan saan galing na mg̃a pook.

—Ako po'y baka di makatagal ah!

—Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong dumarating tayo'y ...

Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na ng̃ang wari hahapayhapay, sa panglalatâ lamang ng̃ katawang kusang ayaw na igalaw, at ng̃aio'y tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang mg̃a anak na mumunti.

Dumating ang tatlo sa kamalig ng̃ anihan. Na tanaw nila ang maraming tawong sumasabukid na ang karamiha'y babaieng malalapad ang salakot at mapupulang kundiman at dinampol ang mg̃a baro't saya kundiman kaya'y sadyang pinulahan.—Hindi na luatán at nagdating̃an ang lahat na pawang may kanikanilang sunong na uhay ng̃ palay sa kanilang mg̃a sisidlan. Nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, ay pawang nagdaramdam kapaguran at init ng̃ namimitik na araw, nagbibigay ng̃ kasaganaan. Gaion din ang mg̃a dalaga, na sa kanilang mg̃a pisng̃í ay waring na nananalaytay ang dugong buhay ng̃ kasipagan, lalo na si Biang na anak ng̃ may bukid.

—Juan!... humanda ka't g̃aion kita bibigyan—ang pabulong ni Tandang Tacio kay Juan.

—Opo Lelong;

At magkakainan na ang lahat ng̃ kumuha ng̃ alak si Tininting Isiro at ipinanagay ni Biang na inuna ng̃ang tagayan si Matandang Tacio, si Juan at si Ambo.

—Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan—ang sabi ni Tiningting Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ... gagawa ng̃ sisté!

—Aba!...—ang pabiglâ ng̃ matanda sa kay Biang na tumatagay—

Ang unang tiro'y sa botillera At ang ikalawa'y sa kastillero;

Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán—ang dugtong ng̃ matandà.

Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nang̃ang uminom ng̃ isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan ang tagayanat inilapat sa matandà.

—Ako'y patawarin mo Ineng; at ako'y may na ding̃ig na isang awit kastila na ania'y,

El dinero del sacristan Cantando viene y cantando van.

Samakatawid ko baga Neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang ay.

Ang tuba daw sa karitan ay di tutulo kundi pang̃ulukatikan.

Ang ibig sabihin ay iawit mo!...ang sabihang pabiglâ ng̃ mg̃a nanonood; kaya ng̃a naman ang dalaga ay umawit ng̃ ganito na tang̃an ang tagayan; na sinaliwan ng̃ tugtog ng̃ biguela ng̃ isang binata.

Utos ng matanda'y Mahalay di sundin Kinabubusung̃an Batang paris ko din Larán-larán larin larin larán Larán larán larin larin larán...

......................At pagka ikot ng̃ umaawit ay hinarap ang matanda at dinugtong.

Kaya ng̃a:

Inom na, inom na't Sa kamay ko galing Sukdang ito'y laso'y Di ka na tatalbín... Laran laran larin.

Ehoy!... Ehoy ...! ang sigawan ng̃ marami. At saka inilapit sa matanda, upang ipainom.

—Dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, ng̃ makakahalig sa akin,—at itinuro ang magkasigbay na si Juan at si Ambo.—Sapagka't totoong masama sa aking ng̃aion ang alak, linisan ko na ang malabis na pag inóm dahil sa ako'y nagkakasakít kung ako man lamang ay makaamoy. Uminom ako ng̃ alak kung kagamutan at kung kailang̃an lamang, ng̃uni't hindi ako naglalang̃ó, sapagka't nakita ko na ang kapagitan ng̃ ugaling paglalang̃ó, at di ko na sabihin pa sa iyo.

Sia ng̃a; sia ng̃a, ang payo ng̃ Isiro si pareng Tacio ay sasakupin ni pareng Juan. Kaya iniliwat kay Juan na kasigbay ng̃ Tacio.

...Prrrf!.... Prrf!... Prrrf!.... at na laguinlin ang mg̃a nanonood sa bandang yoon sapagka't biglang ibinuga ni Juan sa mukha ni Ambo ang alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha ng̃ manok, na sasabung̃uin. At bakit kaya? Walang makasabi ng̃ tiak, dapua't waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan ng̃ sileng pacite ang tagay na yoon. Sa ganito ng̃ay na sunod ang sabi ni Tingting Isiro. Sistidor ng̃a si Matandang Tacio!

Nag kainan na ang lahat pagkatapus ng̃ paghihinumó ng̃ tawanan ng̃ lahat.

Bagama't na hanghang̃an ng̃ sile si Juan ay nag papa walang anoman, ng̃uni't hianghia sa mg̃a dalaga, sapagka't naguing parang sagâ ang mukhâ, at gaion din ang mg̃a mata nia.

Natapus ang kainan; ng̃uni't nabigò ang mg̃a naghihintay na mag sisté pa uli sa pagkain ang matandang Tacio. Hindi ng̃a nia guinawà ang gayon at ania'y hindi dapat na sa loob ng̃ panahón ng̃ pagkain ay magkatawanang lubha sapagka't malaki aniang kalapastang̃anan sa gracia at biayá ng̃ Dios, at isa pa'y hindi nakatutunaw ng̃ kinain, kung baga ma'y pagkatapus ng̃ pag kain.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings