← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

III

Reading edition

Dumating ang gabí.—Bagama't pusikit ang dilím ay madali niang na tanáw ang punò ng̃ kamatsileng maalitaptáp. Pumatók ang "animas"; tumakbó na sia't yumapós sa punong yoon, kumagát sia't na ka tipák ng̃ pitó; binalot na nia't inuwi sa bahay, anopa't na ganáp ang mg̃a bilin ng̃ matandâ, bago natapus ang patók na hulí.

—Magaling na batà!...—ang salubong na sabi ng̃ dinatnán—Ng̃aion din ay isubò mo ang mg̃a tipák na iyán at pumaroon ka sa bahay ni Kumpareng Kulás, at makikita mo ang lahat ay hindî ka namán makikita, nino man. Samakatuwíd ay nataguibulag mo silá, sabáy mo namang sasabihíng malakas ang oraciong itó:

Saratum, ticom, balakum, tukos, mukos, talagum, ibom.

—Ano pong oracion yaan?—ani Juan.

—Yaan ang oracion sa pitong Arkanhel.

At madaling sinaulo ni Juan ang oracion yoon, at di na ng̃a pinapagbihis ng̃ matandà sapagka't di na makikita't madirinig di kunó ninoman, na itó ng̃a namán ang inasahan ni Juan.

Halos manakbó-nakbó sia ay dumating ng̃a sa bahay ng̃ Kulás, na doon palá nama'y maraming tawo sapagka't kasalan sa isang anak nitó. Na sa trankahang pa'y isinubó na ang tagláy at saka dinalit na ulitulit ng̃ malakas ang oracion:

Dalakong tikoy balatong tunkos mungos talagang ibús.

............................Ng̃uni't

Oh!....ang pagkamanhâ ng̃ mg̃a dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan ni Juan sa pagkaupô, na ang makapiling ng̃a nia'y pilit umiilag. Ang palagay ng̃ lahat ay ul-ol ang dumating, ng̃uni't ang palagay naman ng̃ Kapatid na lalaki ng̃ ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi ng̃a napagpayó ay marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin ng̃ang si Juan, sapagka’t ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong ng̃a naman bukod pa sa malapad ang mukhâ na anhin ng̃a ang tikoy ng̃ insik. Pagdaka’y linapitan ng̃ isá sa mg̃a doroon at mahinahong pinakiusapang magbihis muna at saka bumalik.

—Ata makíc po ma ako ma mimihî pa?–-ani Juan, na ng̃amol umusap dahil ng̃a sa subo.

—Sapagka’t ang damit mo’y pulos na putik, ay napapagtawanan ka ng̃ tawo’t kahiahia ka pa sa mg̃a dalaga.

At pulos tubog ng̃a naman ng̃ makita nia’t mamasdan ang kaniang damit sa katawan, kaya hianghiâ siang umalis na, diman nakuhang namaalam kaninoman. Ang puno paláng kaniang kínagatan ay datihang kuskusan ng̃ mg̃a kalabaw na sa malapit doo’y nanunubog araw araw.

Nanaog na ng̃a si Juan na lubhang pinagtanawan ng̃ lahat na siang nakaaliw sa mg̃a nagkakang̃ay, pati ina ng̃ dalaga’y na patawa na, bagama’t lubhang nahahapis na di man makakain símula ng̃ mag suguan sa kaníang anak.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings