VI
Reading edition
....Umui na sa bayan ang mg̃a nang̃anihan noong hapong yaon; ng̃uni't si matandang Tacio at si Juan ay umiba ng̃ daan.
—Narito na si Matandang Tacio!—ang putol na sabi ng̃ isa sa mg̃a nagkakaumpok sa bunsuran ng̃ isang hagdanan, na ang mg̃a ito'y nagsisipag karay-kurus, ó nag tatang̃á simulá pa ng̃ makakain ng̃ tanghalian.
At sa mapalapit ay pinadaan; ng̃uni't bagaman gabi na'y nagdasan ding kusa ang matandà.
—Anó anó ang inyong pinagpupulung̃an mg̃a bata?—anang matandà.
—Wari po'y nagkakapalabasan; nagkakapustahan po yata ng̃ kuarta.
—At sinong pupusta sa akin?—ang ulit ng̃ matanda—ng̃uni't ayoko ng̃ kuartahan!
—Kami po; ang halos sabay ng̃ apat na binatang doroon, na ang mg̃a isipa'y nasa kara y kurus din at sa pagkakataló.
—Kapag hindi ko napakain sa dulo ng̃ kawayang yaan ang kalabaw na yaong nakatali sa tabing bakod ay anong gagawin ninió sa akin?—ang patuloy ng̃ matanda.
—Kapag na pakain mo po'y di iyo na ang lahat naming kuarta, pati na sa bulsá naming apat—ang tugon ng̃ isa.
—Ayao ako ng̃ kuartahan—ang ulit ng̃ matanda.
—Kapag po napakain mo ay unsung̃in ka po naming pauwi sa bayan, yamang gabi na din lamang, at ikaw po namay matanda na.
—How?... Lalong mabuti at galing din sa inyong bibig!
—Sia ng̃a po ang ulit ng̃ apat na mg̃a kapustahan.
Bueno ... at sabay na kinalág ng̃ matanda ang kalabaw, at inilapit lapit sa kawayan; humapay ng̃ isa, na parang sinukat, na ang dulo'y napalapit sa ung̃os ng̃ kalabaw, at sa ganito ng̃a'y kinain ng̃ hayop ang talbós ng̃ kawayan.
—Ano pa?... ang ulit ng̃ matanda sa mg̃a kapustahang nang̃apamanghâ.
Tumutol ang iba sapagka't inaasahang ipapanhik ng̃ matanda ang kalabaw, doon sa dulo ng̃ kawayan; ng̃uni't ng̃ magkaaninawa'y sila din ang mali sapagka't hindi pinaglinaw muna ang pustahan, ay ang matanda din ang nagsabi.
Ang kamalian ay katalunan; Siyang kalakarang leying umiiral.
At ang lahat ay di nakatanguí; napatalo na ng̃a sila at matanda'y inusong sa isang duyan.
—Yamang ng̃ayo'y gabi na din lamang ay ipagpatuloy ninio ako sa Casa Real at sabihin niniong ako'y nalunod. Walang pagsalang ako'y lilimusan ng̃ mg̃a kakila't katoto, lalo na si Doña Isabel; at ikaw Cebio ang maghahawak ng̃ kuarta, sapagka't ang asawa ko'y mananang̃is na lamang; huag lamang kayong magpapahalata. Ikaw naman Kulás ay pasasa simbahan at magpapa algunias, sabihin mo sa kay Pari Teban na ako'y pag oracionan.
At ganoon ng̃a ang guinawa.