← Table of contents
Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

VII

Reading edition

Sabihin pa ang pagkapamanghâ ng̃ marami sa mapagtantong ang namatay ay si matandang Tasiong Sistidor, lubha pa ng̃ mg̃a nakakita sa kanian sa anihan, ng̃ araw na yaon.

Ang bankay nia'y inilagak na lamang sa silong ng̃ Casa Real ayon sa utos ng̃ Kapitan. Ng̃uni't noon ding gabing yoon ay walang makasabi kung bakit ipinadala na doon sa pantion at ng̃ doon muna mapa lagak hangang kinabukasan; at ganito ng̃a ang nasunod.

Ng̃ sia'y mapag-isá doon, at ng̃ wala nang makakita sa kania ay nagbang̃o't pinasan ang sa kaniya'y pinagusung̃an at tuloy tuluyang umuwî sa kaniang bahay, sa wala sinomang nakakita. Noon din ay pinaroonan nia ang dalawang sa kania'y umusong magbuhat sa bukid, at ipinagalám sa kaniang inaakalang gawin. Kinabukasang ililibing ang nalunod na matandang Tacio ay wala ang bankay sampon ng̃ pinaglagyan, kaya naman sa takot ng̃ dalawang pinagutusan ng̃ kapitan, ay nagpahayag ng̃ daw, ay nakita nilang kababalaghang, pag pailanglang ng̃ bangkay ni Tandang Tacio hangang kalang̃itan. Ang salaysay na ito ay paniwala'y dili ng̃ marami, ng̃uni't pinagtitibay na patotohanan ng̃ dalawang yaon, dahil sa takot na mapalò ng̃ kapitan.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings