← Table of contents
Cinematografo

Tagpo V.

Reading edition

Si ANGELING lamang

TUGTUGIN

Ang:—

Tulad sa simoy ng̃ hang̃in sa gabing batbat ng̃ bituwin, katamisan ng pag-giliw, ni Luisitong aking aliw. Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na.

¡Oh, ligaya ng̃ mabuhay, ¡Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tang̃ing ikaw.... Ang lunas ko, kaylan pa man! Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalung̃in sa bisig mong ginigiliw....

Kung ang buhay ay pang̃arap ay nasa ko ang mang̃arap. Sa bisig ng aking liyag na paning̃i'y minamalas...!

SALITAAN.

Oo ng̃a, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog sa kasayahan. Sa mg̃a magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap ng̃ buhay na gaya nitong aking taglay....

Lalabas si BALTAZARA.

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings