Tagpo III.
Reading edition
Si BRUNO at si MARTINA lamang.
TUGTUGIN.
Mar:—
¡Ha....Ha....Ha....Ha ... Bruno!
Bru:—
Martina, ¿bakit, ano? ¿Pagtawa mo'y kang̃ino?
Mar:—
¿Kang̃ino? Tuturan ko.
Ako'y may nakikilala Na isang binatang tang̃a, Na ang lahat ng̃ makita Tinatakhan, nababakla. Lalong lalo kung mamalas mg̃a babayeng magigilas, ay nagmamatang bayawak Na asa mo'y isang tungak.
Bru:—
Hindi totoo: Ang sulit Na ng̃ayon ay kasasambit. Ang babaye'i naninikit Sa binatang makikisig. Ako ay may nalalaman Na mg̃a dalagang momay, Na sa boong isang araw, Yao't dito sa lansang̃an.
SILANG DALAWA
Martina:Bruno:
Kahit ano ang isulit Ako'y hindi makikinig, Sa batang walang batid, Ang mabuti ay pagtikis. Kahit ano ang isulit Ako'y hindi makikinig, Sa babaeng walang batid Nararapat ay pagtikis.
SALITAAN.
Mar.—
(Tatawa) ¡Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.
Bru:—
(Natutuwa.) ¡¡Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa.
Mar:—
(Galit) ¿Ha? ¿Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong ako'y....?
Bru:—
Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang ng̃ayon?
Mar:—
Hooy, maglubay ka ng̃a ng̃ pagsasalita ng̃ ganiyang mg̃a kamangmang̃an. (Sasabihin ito ng̃ padabog)
Bru:—
At, hindi ba sinabi mo kang̃ina lamang na, naaawa ka sa akin?
Mar:—
(Patuya) ¿Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari ng̃a ba, (Lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman ng̃ ating pang̃inoon.
Bru:—
Aba, Martina, naloloka ka na ba? ¿Bakit ako tatampalasanin ng̃ ating pang̃inoon? ¿Hayop ba ako na kaparis ng̃ iba diyan?....
Mar:—
(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo ng̃a, ¿bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?
Bru:—
¡Ah, loka, loka ka ng̃a! ¿Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking saksi ng̃ pagmamahal niya sa akin?
Mar:—
¿Ang tampalin ka ba?
Bru:—
Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng mg̃a kastila na tunay na kariño. Ikaw ba, ay tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo ng̃ ating pang̃inon?
Mar:—
(Galit) Hindi ng̃a, ¿bakit?
Bru:—
Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakariño?
Mar:—
(Yamot.) Kuñg hindi, ay hindi. Kariño pala ang tawag mo sa papamulahing parang saga ang mukha mo. ¿Bakit ba naman, namimiskotso ang iyong mg̃a labi?
Bru:—
Mangyare, ako'y kaniyang pinang̃ang̃a.
Mar:—
¡Ah ...hang̃al, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan ng̃ mata, at pagkatapos ay aalis.)