← Table of contents
Cinematografo

Tagpo II.

Reading edition

Si D. TIBURCIO at si BRUNO

Bru:—

(Buhat sa loob) ¡¡¡Pooooooo.....!!!

Tib:—

Halika.

Bru:—

(Lalapit na pakimi) Pagutusan po.

Tib:—

Lumapit ka, torpe!

Bru:—

(Lalapit ng̃ payuko, tulad ng̃ karaniwang gawin ng̃ mg̃a taga lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) ¡Pagutusan po, siñor!

Tib:—

(Tataban siya sa isang tayng̃a.) ¡Torpe, halika't may sasabihin ako sa iyo. (Sisipain sa kaliwang pigi)

Bru:—

¡Naku....! ¡¡Naku pooo....!! Malabis po pala naman kayong makapagsalita, ah ... Talo pa po ninyo si kabisang Umeng doon sa amin na, munting kibot, ay........ ¡¡¡Naku......!!!

Tib:—

(Anyong sisipa uli.) ¿Naka ano, ha?

Bru:—

Nakatawa po't,....nagbibigay ng̃ kuwalta!

Tib:—

(Sa sarili) May hayop ang katawan nito. (Harap.) Siya, lumapit ka, at may iuutos ako sa iyo.

Bru:—

(Sa sarile.) ¿Bibigyan kaya ako ng̃ kuwalta? (Harap.) Turan po ng̃ aking pang̃inoon.

Tib:—

Huwag mong lilimutin, ha?

Bru:—

(Patulala) ¿Ang alin po? (Sa sarili) ¿Ang isinipa kaya niya?

Tib:—

Ang iuutos ko sa iyo.

Bru:—

Aba, umasa po kayong hindi. (Sa sarile) Ang akala ko'y kung ano na ang kaniyang ipa-aala-ala sa akin ah. Akala ko'y, ang sipa na....

Tib:—

Dingin mo. Buhat ng̃ayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating orasang malaki ng̃ ika pito at kalahati ng̃ gabi ay....

Bru:—

Naku, pang̃inoon ko, ¿paano po ang pagtugtog ng̃ ating orasan, sa matagal na po siyang namamahing̃ang kaparis ng̃ orasan sa Santa Cruz?

Tib:—

(Sa sarile) May katwiran. (Hayag) Totoo ng̃a. Kung gayon, ang gawin mo'y, ganito. Pagtugtog ng̃ orasan ng̃ sambahan dito sa atin, ay ilalapat mong mabuti ang pintuan, at huwag mong bubuksan kahi't na kang̃ino. ¿Naring̃ig mo ba?

Bru:—

Opo.

Tib:—

Nalalaman na daw nito. Hale ng̃a, tignan ko kung tunay na nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. Dale, sabihin mo: ¿Ano ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog ng̃ ika pito at kalahati ng̃ gabi?

Bru:—

(Patulalang sasagot) Ma....ma....ma maya pu ba?

Tib:—

Oo, mamayang maka 7:30 p.m.

Bru:—

(Sa sarile) Para din akong ikakasal ng̃ayon ah! Sinusulit pa ako. (Hayag) Mamaya pong ika pito at kalahati, ay ... (Waring magiisip sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat ng̃ pintuan.

Tib:—

(Patalak.) Nakita mo na, ang sinalibat na ito ng̃ isang kallang.... (Duduhapang̃in si Bruno at tatadyakan.) Naku, ang hayop na ito, ah, paghindi kita pinatay ...!

Bru:—

Mangyari po'y, sinabi ninyong ika pito at kalahati p.m.

Tib:—

¿Eh, ano ng̃ayon?

Bru:—

Aba, ang sabi po ni Ñora Sara sa akin, ng̃ minsan pong itinanong ko sa kanila kung ano ang kahulugan ng̃ p.m. na malimit kong makita sa mg̃a anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'y....

Tib:—

¿Ano? ¿Ano daw ang kahulugan?

Bru:—

Eh, magbukas daw po ng̃ pinto.

Tib:—

(Sa sarile) ¡Que atrocidad! (Hayag) Pareho na kayo sa pagka ling̃as ng̃ iyong Ñora Sara. (Galit) Kung ang lahat ng̃ maglingkod sa akin ay gaya mong mg̃a bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako ng̃ tisis galopante.

Bru:—

(Pagkaring̃ig ni Bruno sa sinabing bruto ni D. Tib. ay iiyak ng̃ ubos lakas.) ¡¡Inaku, Dios ko po, inakuuuuu!

Tib:—

Aba, at bakit ganiyan na ang ng̃alng̃al mo?

Bru:—

Mangyari po'y....(Iiyak ng̃ lalong malakas) Mangyari po'y ... tinawag ninyo ako ng̃ bruto, eh, Bruno po naman itong ng̃alan ko.... Huuuuu ...!!!! (Iiyak uli)

Tib:—

¡Tinamaan ka ng̃ ... isang bakurang.... (Matatawa siya, ng̃uni't pipigilen) Siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo ha? (Babatukan at pagkatapos ay aalis.)

Bru:—

Opo.... Aruuuy, aruuuuy....! (Liling̃ap sa kaniyang likuran at pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.)

¡Naku ... kung hindi ko lamang siya pang̃inoon, ay nagkahalohalo na sana ang, balat sa tinalupan. (Susubsob sa lamesa at iiyak na parang bata)

(Lalabas si MARTINA na pagkaring̃ig; sa pagiyak ni Bruno ay magtatawa.)

Explore with AITake your curiosity a little further.

Reading settings