Huling Tagpo.
Reading edition
Si ANGELING at si LUISITO.
TUGTUGIN
Ang:—
¡Luisito!
Lui:—
¡Oh, Angeling!
Ang:—
Paglisan na'y ating gawin.
Lui:—
¡Oh, pang̃arap kong nalaing, natupad ka at dinating! Ng̃ayon di'y atin ng̃ lisan itong pook, at tumanan.
Ang:—
Luisito kong liniliyag laan ako sa iyong hang̃ad.
Lui:—
Tayo na't ating tungain saro ng̃ ating paggiliw.
Ang:—
Ang bawa't iyong mahiling, ay aking tatalimahin.
SILANG DALAWA
Tayo na sa himpapawid na pangdulot ay pag-ibig.... Doon, ang lahat ay tamis, aliw, ligaya at....lang̃it! Ating limutin ang hirap at lasapin ay pagliyag. ¡Tayo sa bayang pang̃arap at doo'y, walang bagabag!
(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Mariring̃ig na dagli ang sipol ng̃ "auto". Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.)
Lahat:—
¡¡¡Angeling....!!!
Ten:—
Bili na kayo ng̃ mané....
Tib:—
¡¡¡Angeling....!!!
Peli:—
(Sa lahat) ¿Sino pu ba ang hinahanap ninyo?
Bal:—
Ang aming anak. ¿Nakita mo ba, among?
Peli:—
Iyon po bang maganda?
Tib:—
Oo, iyon ng̃a, ¿saan naroroon?
Peli:—
Tinang̃ay po ng̃ lawin......
(Pagkaring̃ig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatung̃ang̃ang lahat.)