ELECTO
Reading edition
Ito'y siyang saksing dapat na ilimbag sa ubod nang pusong di dapat maghan~gad niyong kayamanang di sariling hanap lalo na't sa gawang di mabuti buhat. Ang man~ga may pilak na pinayayaman ang dukha at nagmamapuri sa lagay pinayamang yaon ay kung maging daang magpalalo'y siya ang may kasalanan. Sapagka't mayroong mabuti kung dukha n~guni't kung yumama'y biglang nawawala ang di magkagayo'y bihirang bihira't kung minsa'y sanhi nang isinasama. May taong mababang loob kung mahirap n~guni't kung yumaman ay nagmamataas walang lin~gong likod kung magsipan~gusap at napatatan~gay sa dahas nang pilak. Nan~gararapat n~gang ating saklolohan ang nan~gasasalat na walang pagkunan n~guni't kung lalagay sa kapalaluan ay isang dakila namang kasalanan. Anopa't marami ang dahil sa pilak sa Santong matuwid ay nan~galilinsad sa nasang yumaman nang ibang mahirap kaluluwa'y di na pansing mapahamak. Kahi't kilala nang gawang nalilihis at nasasalansang sa utos nang lan~git ay ikinakanlong sa sariling isip ang kakamtang dusang walang kasingpait. Huwag mong nasaing matamo ang pilak na mula sa ganang di karapatdapat at baka doong ka matulad kay Judas na nasa Infierno't walang hanggang hirap.