ELECTO
Reading edition
Dito'y dapat nating huluin sa loob na kapag ang tao ay lingkod nang Dios kahi't si Satanás ay nan~gin~gilabot at di madaraya nang sa Mundong adyok. At nakikilalang yaong nanunukso'y isa sa kampon nang taga Infierno kaya nararapat na pakupkop tayo sa Dios at Inang Virgeng masaklolo. Huwag pabayaan ang tayo ay magahis nang kaaway nating sadyang malulupit na walang adhika kundi ang magahis tayo't makasama nilang magkasakit. Sapagka't kanilang kinaiinggitan ang tanang biyaya nang Dios na mahal na pinatatawad kung magkasala man ang nan~gagsisisi't sala'y ikumpisal. Demonio'y minsan lamang na nagsukab sila'y ibinulid sa balon nang hirap at hindi nangyaring sila'y pinatawad at parusang walang hangga ang nalan~gap.