ELECTO
Reading edition
Kayong Ama't Ina na palatun~gayaw at mapagsalita nang wikang mahalay kayo ang sa anak ninyo'y umaaral nang lahat nang man~ga likong kaasalan. At ang nagtuturo sa man~ga inanak nang bagay na man~ga di karapatdapat kayo rin sa huli naman ang lalan~gap nang bun~gang mapait sa binhing masaklap. Tuwa mo'y kung ano nang bata pang munti sa pagtuturo mo nang salitang sawi kung lumaki nama't magkaroong sanhi ang tubo mo'y luha't pagdadalamhati. Sapagka't kung ano ang punlang pananim ay siya rin namang bun~gang aanihin balang isang puno ay iyong timban~gin kung ilang ibayong papakinaban~gin. Kaya karampatang in~gatan ang bata sa ano mang bagay na makasasama dito pa't sa isang buhay man ay huag ang ban~gis nang dusang pilit ilalagda.